27.2 C
Manila
Martes, Enero 7, 2025

Kauna-unahang 3D-printed na rebulto ni Dr. Jose P. Rizal sa bansa, malapit nang ilantad sa publiko

- Advertisement -
- Advertisement -

Bilang paggunita sa ika-125 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal, isasapubliko ng Department of Science and Technology (DOST) ang kauna-unahan at pinakamatayog na 3D-printed monument ng bayani sa bansa na pinamagatang “Dr. Jose P. Rizal: The Filipino Scientist.” Ito ay mangyayari sa darating na ika-30 ng Disyembre 2021 sa DOST Complex, Bicutan, Taguig.

Ang bantayog ay may taas na 12.5 na talampakan at dinisenyo ni Prof. Jose Manuel “Manolo” Sicat, isang tanyag na iskultor, gamit ang world-class technology ng Advanced Manufacturing Center (AMCen) ng Metals Industry Research and Development Center (DOST-MIRDC).

Ito ay ginawa gamit ang Acrylonitrile Styrene Acrylate (ASA), na may high-quality mechanical properties na kayang labanan ang malakas na hangin at pagyanig ng lupa, mataas na temperatura, at maging ang ultraviolet (UV) rays galling sa araw. Ang estraktura ay mayroong bakal sa loob na nagsisilbing suporta upang makayanan nito ang hanggang 330 kph na lakas ng hangin at 7.0 magnitude na lindol.

Layunin ng proyekto na itanghal ang buhay at mga naging kontribusyon ni Dr. Rizal sa larangan ng agham at teknolohiya kabilang na sa sektor ng agrikultura, biyolohiya, at medisina, na magsisilbing inspirasyon sa lahat ng Filipino lalo na sa mga kabataan.

Nais din nitong ipakita ang mga kakayahan ng AMCen sa 3D scanning, printing, modeling at design optimization, virtual warehousing, at remanufacturing. Sa pamamagitan ng mga ito, makikilala ang AMCen bilang isang pangunahing sentro sa advanced manufacuting sa buong mundo at magsisilbing state-of-the-art facility upang makalikha ng iba’t-ibang uri ng produkto na mapapakinabangan ng mga industriya.

Magkakaroon ng virtual presser and DOST bukas, ika-28 ng Disyembre 2021, alas-10:30 ng umaga na i-brodkast na live sa DOST Philippines FB page. Ito ay pangungunahan ni Secretary Fortunato T. de la Peña upang magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa 3D na bantayog ng bayaning si Dr. Jose P. Rizal at iba pang mga kaugnay na aktibidad hanggang sa susunod na taon. (By Jil Danielle M. Caro, DOST-STII, S&T Media Service)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -