30.2 C
Manila
Linggo, Hunyo 16, 2024

Mahigit 200 maralitang pamilya makikinabang mula sa “Sustainable Livelihood Program” ng pamahalaan

- Advertisement -
- Advertisement -

LUNGSOD NG QUEZON, Kalakhang Maynila — Mahigit 200 maralitang pamilya ang nakatakdang makinabang sa community-based capacity building initiative na Sustainable Livelihood Program (SLP) sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sinabi ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na nagbigay na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng listahan ng mga potensyal na benepisaryo mula sa siyam na lungsod sa Kalakhang Maynila na mabibigyan ng tulong upang makamit ang kanilang livelihood skills sets.

Ayon sa PCUP, ang DSWD ang siyang magtatakda matapos ang masusing pagsala ng nasabing mga benepisaryo kung sino ang mga kuwalipikado sa programa na tunay na kabilang sa mga maralitang sektor at itinuturing na ‘poorest of the poor’.

Idinagdag ng ahensya na bibigyan din ang mga napiling mga benipisyaryo ng pagsasanay at mga capacity-building seminar upang pagtibayin ang kanilang kakayahan para makabuo ng sapat na resources sa layuning makapagtatag sila ng sariling kooperatiba na makakatulong sa kanila upang itaguyod ang kanilang mga pamilya ng matiwasay at maayos.

Bukod sa pagbigay ng listahan ng potensyal na mga benepisaryo, binalangkas din ng PCUP ang isang flow chart na magtitiyak sa puntong mabuo na ang SLP, ang mga kooperatibang malilikha ay mapapalakas sa pamamagitan ng provision at financial sourcing, networking at marketing.

Sinabi ng PCUP na ang tagumpay ng programa ay tutungo sa mas marami pang oportunidad para sa mahihirap at maralita na magkaroon ng access sa lending program na isasagawa sa ilalim ng inisiyatibong Enhance Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) ng DSWD.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -