27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

Gatchalian: Pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon dapat paigtingin

- Advertisement -
- Advertisement -

Nais ni Senador Win Gatchalian na pag-ibayuhin ang pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon at growth and development ng kanilang mga anak.

Sa ilalim ng bagong batas na Republic Act No. 11908 o Parent Effectiveness Service (PES) Program Act, itatatag ang naturang PES Program upang tulungan ang mga magulang at parent-substitutes na paigtingin ang kanilang kaalaman at kakayahan upang mas magampanan nila ang kanilang mga tungkulin pagdating sa edukasyon ng mga bata lalo na sa gitna ng mga hamong dulot ng inobasyon, social media, at pagbabago sa mga values. Si Gatchalian ang pangunahing may akda ng nasabing batas.

Hinihikayat ng batas ang mga magulang at mga parent-substitutes na suportahan ang cognitive development ng kanilang mga anak, kabilang ang pagpapaigting sa kanilang kaalaman sa pagbasa, mathematics, at science. Layunin din ng batas ang pagsugpo sa child abuse, bagay na magagawa sa pamamagitan ng mas pinaigting na kaalaman ng mga magulang pagdating sa mga risk factors at mga senyales ng pang-aabuso.

Ang PES Program ay ipapatupad sa bawat lungsod at munisipalidad sa pamamagitan ng kanilang social welfare and development offices at government units. Maghahanda ang mga opisyal ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ng taunang programa para sa mga nasasakupan nilang barangay at kailangang bigyan ng prayoridad ang mga magulang at parent-substitutes na may mga anak na tinatawag na children at risk, children in conflict with the law, at mga batang nakaranas ng pang-aabuso. Bibigyan din ng prayoridad ang mga solo parents, adolescent parents, at kanilang mga magulang at mga parent-substitutes.

Maliban sa pagbibigay ng proteksyon sa mga bata laban sa pang-aabuso, kasali rin sa modules ng PES Program ang mga hamon ng pagiging magulang, tamang pag-uugali ng mga kabataan, maayos na kapaligiran para sa bata, at ang pagpapanatili ng kaligtasan ng bata sa panahon ng kalamidad.

“Sa pamamagitan ng Parent Effectiveness Service, matutulungan natin ang mga magulang na magampanan nang mahusay ang kanilang tungkulin sa kanilang mga anak. Ang mga magulang ang ating unang guro at nananatiling mahalaga ang kanilang papel sa edukasyon ng mga kabataan, kaya dapat natin silang tulungang maging epektibo sa kanilang papel,” ani Gatchalian.

Inspirasyon ng batas ang Nanay-Teacher Program ng lungsod ng Valenzuela. Ang programa ay ipinatupad sa tulog ng Synergeia Foundation at nagsimula bilang bahagi ng adbokasiya ni Gatchalian sa edukasyon noong siya ay alkalde pa lamang.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -