26 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Butuan urban poor association tumanggap ng P420k para sa livelihood project

- Advertisement -
- Advertisement -

LUNGSOD NG BUTUAN, Agusan del Norte — Tinanggap ng mga miyembro ng Bagong Paglaum sa Butuan Livelihood Association (BPABLIA) ang P420,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tulong ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) para sa kanilang panukalang livelihood project bilang wholesaler ng iba’t ibang mga produkto.

Ayon kay PCUP Field Operations Division chief for Mindanao Atty. Ferdinand Iman, ang 28 miyembro ng BPABLIA ay inendorso ng PCUP sa DSWD makaraang opisyal na mabigyan ng akreditasyon at maiugnay sila sa kagawaran para mabigyan ng kinakailangang tulong na pinansyal mula sa pamahalaang nasyonal.

Tinanggap ng mga miyembro ng asosasyon ang tulong pinansyal sa ginanap na simpleng aktibidad kamakailan na dinaluhan ng mga kinatawan ng DSWD, Municipal Social Welfare Development (MSWD), Butuan City local government at PCUP na pinangunahan ni area coordinator Marites Serrano.

Sinabi ni Iman na ang pondong ipinagkaloob sa BPABLIA ay bahagi ng pagtupad ng PCUP sa mandato nitong iugnay at magbigay ng mahalagang tulong sa mga maralitang tagalungsod sa buong bansa sa ilalim ng bagong pamunuan ng komisyon sa pamumuno ni Undersecretary Elpidio Jordan Jr. na nangakong paiigtingin pa ang inisyatibong mapalapit ang mahihirap sa pamahalaan, partikular na sa mga line agency tulad ng DSWD, Department of Health (DoH), Department of Labor and Employment at iba pa.

“Sa bagong administrasyon ng PCUP, makakaasa ang ating urban poor ng mas mainit na pagtugon sa kanilang mga problema at aspirasyon gaya ng hinayag ng ating mahal na Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na nangakong pagtutuunan ng pansin ang poverty alleviation para mahango mula sa kahirapan ang bawat mamamayang Pilipino,” idiniin ng hepe ng PCUP-FODM.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -