28.6 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

CamSur urban poor group inendorso ng PCUP ang renewal ng accreditation

- Advertisement -
- Advertisement -

LUNGSOD QUEZON, Kalakhang Maynila — Alinsunod sa poverty alleviation trust ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., matagumpay na nagsagawa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa pamumuno ni Undersecretary Elpidio Jordan Jr. ng validation ng renewal ng aplikasyon para sa akreditasyon ng mga miyembro ng Senior Santiago Homeowners Association sa Pili, Camarines Sur.

Ayon kay PCUP Luzon Field Operations Division Chief Rodel Francisco, naging malaki ang bahagi ng PCUP sa negosasyon sa pagitan ng Homeowner’s Association at may-ari ng lupain na kung saan sila naninirahan sa nakalipas na maraming taon.

“Nagawa naming makipagnegosasyon upang mapasailalim sila sa Local Community Mortgage Program, na magbibigay-daan para makatanggap sila ng mga serbisyo na ipinagkakaloob ng pamahalaang nasyonal sa mga maralitang tagalungsod,” hinayag ni Francisco.

Binigyang halaga ni Senior Santiago HOA president Eva Jacob ang naging bahagi ng PCUP na nagbigay sa kanila ng oportunidad para ma-renew ang kanilang akreditasyon at patuloy na makatanggap sila ng suporta mula sa ahensya kaugnay ng pagresolba sa kanilang mga problema ukol sa kanilang kalagayan bilang isang urban poor organization, partikular na sa usapin ng security of tenure.

Idinagdag ni Jacob na pinalakas din ng PCUP ang oportunidad para sa mga programang pangkabuhayan sa pamamagitan ng mga seminar at pagsasanay na magpaangat sa kanilang kaalaman at pamumuhay.

Samantala, pinaalam naman ni PCUP Region V Area Coordinator Victor Allan Ilagan na kanya nang inendorso ang aplikasyon ng Senior Santiago HOA sa Accreditation Committee para sa maagang deliberasyon at dagliang pag-apruba.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -