27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

DSWD nangako ng buong suporta sa PCUP

- Advertisement -
- Advertisement -

LUNGSOD QUEZON, Kalakhang Maynila — Nagpahayag si social welfare and development assistant secretary Rodolfo Santos ng buong suporta sa mga proyekto at adhikain ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na magpapaigting ng pakikipag-ugnayan ng maralitang tagalungsod sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan bilang bahagi ng poverty alleviation program ng administrasyong Marcos.

Sa kauna-unahang Coordination Meeting sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at PCUP sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., nangako si Asec. Santos ng matibay na pakikipagtulungan ng dalawang ahensya upang matupad ng PCUP ang mandato nitong magsilbi ng tapat sa ating mga kababayan, partikular na yaong mga mahihirap na sektor ng ating lipunan.

Masayang sinalubong ni PCUP chairperson at chief-executive-officer Undersecretary Elpidio Jordan Jr. ang mga kinatawan ng DSWD sa isinagawang coordination meeting na kung saan pinagpulungan ang legal basis at mandato ng PCUP alinsunod sa batas sa ilalim ng Executive Order No. 82.

Tinalakay din ni Asec. Santos ang mga posibleng pagsasaayos sa mga coordination protocol ng PCUP sa DSWD sa ilalim ng bagong kalihim nitong si Secretary Erwin Tulfo at ang iba’t ibang mga non-government organization (NGO).

Hinangaan din ng opisyal ang kahusayan ng PCUP sa maayos at organisadong implementasyon ng mga programa para sa mahirap na ipinapatupad ng ahensya sa ilalim ng bagong pamunuan nito sa pangunguna ni Usec. Jordan.

Kaakibat nito, sinabi rin ng opisyal na ang DSWD, bilang supervising agency ng PCUP, ay magsasagawa ng mga hakbang para maiangat at mapabuti ang kapabilidad ng Komisyon sa larangan ng digitalization at automation, na pangunahing nais na makamit ng administrasyong Marcos.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -