29.5 C
Manila
Linggo, Nobyembre 10, 2024

Recovery efforts ng Quezon nagpapatuloy pagkatapos ni ‘Karding’; Gatchalian maghahatid ng tulong

- Advertisement -
- Advertisement -

Habang patuloy ang recovery efforts sa Quezon Province matapos ang pananalasa ng bagyong Karding, bibisita si Senador Win Gatchalian ngayong araw sa mga lugar na tinamaan ng nagdaang bagyo para tumulong sa kanilang muling pagbangon.

Naibalik na ang suplay ng kuryente sa buong probinsya pero mahigit isang libong evacuees sa ibat ibang munisipalidad ng Polillo Island ang nananatili pa rin sa mga temporary shelters hanggang ngayon.

Kasama ng senador ang kanyang kapatid na si Valenzuela City Representative Rex Gatchalian, Quezon First District Representative Mark Enverga, Valenzuela City Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at Valenzuela City Social Welfare Development head Dorothy Evangelista. Sa bisa ng isang ordinansa, sila ay mamimigay ng Php4.3 milyon bilang humanitarian at disaster relief assistance sa mga lugar sa Polillo Island na naapektuhan ng bagyong Karding.

Php1 milyon ang ibibigay sa munisipalidad ng Polillo, Php500,000 sa munisipyo ng Panukulan, Php300,000 sa munisipalidad ng Patnanungan, Php1 milyon sa munisipalidad ng Burdeos, Php1 milyon sa munisipalidad ng Jomalig, at Php500,000 sa munisipalidad ng General Nakar. Ang mga lugar na ito ay isinailalim sa state of calamity sa pamamagitan ng resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon. Partikular sa Burdeos, mahigit 700 bahay ang nasira ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ang grupo ni Gatchalian ay sasalubungin at pupulungin nina Polillo Mayor Angelique Bosque, Panukulan Mayor Alfred Mitra, Patnanungan Mayor Clara Larita, Burdeos Mayor Freddie Aman, Jomalig Mayor Nelmar Sarmiento at General Nakar Mayor Esee Ruzol para pag-usapan ang recovery efforts.

Samantala, idinaos kahapon sa Valenzuela City ang pag turn-over ng school supplies para ipamigay sa mga apektadong estudyante ng Panukulan sa pamamagitan ni Valenzuela Councilor Syvel Salgo.

“Matinding pinsala ang naranasan ng ating mga kababayan dahil sa bagyong Karding kaya’t nakipag-ugnayan agad ang Valenzuela sa probinsya ng Quezon para mabigyan natin ng kaukulang tulong ang mga pamilyang nasalanta,” ayon kay Gatchalian.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -