28.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 14, 2024

APFC nangako ng suporta sa UPSW at banner programs ng PCUP

- Advertisement -
- Advertisement -

QUEZON CITY, Metro Manila — Kasabay ng pagdiriwang ng Urban Poor solidarity Week (UPSW) sa susunod na buwan ng Disyembre, nakatakdang lagdaan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Archipelago Philippine Ferries Corporation (APFC) ang isang memorandum of agreement (MoA) na magpapatibay sa kanilang kasunduan na makapagkaloob ng tunay na serbisyo sa mga sektor ng mahihirap sa buong bansa.

Sa isinagawang zoom meeting kamakailan, nakipag pulong si PCUP chairperson Undersecretary Elpidio Jordan Jr. kina APFC general manager Segundo Mentoya Jr., vice president for marketing Christine Guevarra, assistant vice president for operations Mark Saladino and sales and business development officer-in-charge Virgie Labindao para talakayin kung paano mapapalawig ang ugnayan ng dalawang ahensya at makapagbigay ng mas malawak na pagtulong sa mga maralita sa buong bansa.

Sa ilalim ng mandato nito, nagsisilbi ang PCUP bilang tagapag-ugnay sa mga ahensya ng pamahalaan sa pagtupad sa tungkulin nitong maisulong at maprotektahan ang mga karapatan ng mga urban poor, kabilang na ang mga informal settler family (ISF), at mabigyan sila ng pagtulong na magpapaangat sa kanilang pamumuhay at kabuhayan.

Nangako si Usec. Jordan, na inalalayan sa zoom meeting ng kanyang project and policy development unit head Yvelen Moraña na tatalima ang PCUP sa mandato nitong suportahan ang mga inisyatibong programa ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na nakatuon sa pagresolba sa problema ng kahirapan sa bansa at gayun din sa pagpapabilis ng pag-angat ng ekonomiya.

Binalangkas nito ang kanyang planong ipatupad ang apat na banner program ng PCUP sa susunod na taon na kinabibilangan ng ‘Piso Ko, Bahay Mo’, na layuning makapagbigay ng disenteng pabahay sa mga maralitang pamilya sa pamamagitan ng savings mobilization, at gayun din ang resource mobilization na binansagang Lingkod Agapay Maralita (LAM), urban poor data generation at collaboration program.

Nilinaw ni Usec. Jordan na ang ‘Piso Ko, Bahay Mo’ para sa mga urban poor family (UPF) na walang tahanan, partikular na yaong apektado ng mga court-ordered demolition at eviction, ay magpapalawig sa partisipasyon ng pribadong sektor sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lote na kung saan makakapag patayo ng mga pabahay para sa mga UPF. “The program recognizes the increasing role that businesses have been playing in local development by going beyond mere corporate social responsibility. In addition, there is also growing realization that doing business with social impact is possible which is blurring the gap between conventional territories of development players and businesses,” kanyang pinunto.

Sa kabilang dako, layunin naman ng Lingkod Agapay Maralita, o LAM, na matugunan ang mga pangangailangan ng mga UPF sa pamamagitan ng pagpapaigting ng savings mobilization, na isasagawa sa pakikipag tambalan sa pribadong sektor. “LAM aims to build up opportunities for livelihood and employment as well as housing and other concerns of selected communities across the country. The program will serve as the light, so to speak, in building bridges of collaboration,” ani Usec. Jordan.

Ayon naman sa urban poor data generation, isusulong ng PCUP ang partnership sa mga local government unit (LGU) upang makapagtatag ng mga satellite offices sa mga lungsod at munisipalidad sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao. “This targets a means of strengthening the PCUP’s intervention in urban poor communities through the establishment of a database that would be useful both for the Commission and the various KLGUs in developing plans, programs and projects and formulating policies for advocacy in both the local and national levels that would be beneficial to the urban poor,” wika ng chairperson ng PCUP.

Sa huli, itataguyod naman ng collaboration and partnership ang panawagan para sa pagkakaroon ng mga goodwill ambassador na mula sa business sector, academe, mga non-government organization (NGO) at iba pa, na siyang magpo-promote ng PCUP at mga programa nito para sa mga maralitang tagalungsod. “With our ambassadors sharing our vision of empowering urban poor communities, they will help generate the support that the Commission needs and likewise look for other partners who may provide assistance and services aimed at filling the gaps in alleviating the plight of UPFs from poverty and ensure that they will become economically productive as partners in nation building,” pagtatapos ni Usec. Jordan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -