25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

PCUP, Grab Ph muling nagkaisa sa pagtulong sa mga mahihirap

- Advertisement -
- Advertisement -

QUEZON CITY, Metro Manila — Masayang tinanggap ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairperson at chief-executive-officer Undersecretary Elpidio Jordan Jr. ang renewal mg memorandum of agreement [MoA] sa pagitan ng PCUP at Grab Philippines dahil malaki ang maitutulong umano nito sa mga programa ng Komisyon na makapagbigay ng kabuhayan at ayuda sa mga sektor ng mahihirap sa bansa.

Sa opisyal na pahayag, nagpasalamat si Usec. Jordan sa Grab Philippines o My.Taxi.ph kasunod ng pangako ng kompanya na susuportahan nito ang PCUP sa pagtupad ng mandatong magsilbi sa mga maralitang tagalungsod at informal settler families (ISFs) alinsunod sa poverty alleviation program ng administrasyong Marcos.

“Magpapatuloy ang magandang ugnayan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at MyTaxi.ph o Grab Philippines upang mas makapagbigay ng tulong sa mga urban poor community sa ating bansa,” hinayag ng chairman ng PCUP.

“Ang renewal ng Memorandum of Agreement [MOA] sa pagitan ng PCUP at Grab Philippines ay kasalukuyan ng inaayos at inaasahan na malalagdaan kasabay ng selebrasyon ng Urban Poor Solidarity Week (UPSW) 2022 sa susunod na buwan,” dagdag nito.

Tiniyak naman ni Grab Philippines public affairs manager Carole Malenab kay Usec. Jordan, Jr. na buo ang kanilang suporta sa PCUP, lalo na sa nalalapit na UPSW at ang apat na banner programs ng ahensya na nakatakdang ilunsad at ipatupad sa susunod na taon.

Ang pagpupulong sa pagitan ng PCUP at Grab Philippines ay dinaluhan din nina PCUP project and policy development unit head Yvelen Moraña at special assistant for internal and external affairs Jimmy Uy.

Binanggit pa ni Usec. Jordan na umaasa siyang ang renewal ng PCUP-Grab MoA ay magbibigay daan sa mas marami pang mga partnership at pakikipagtulungan mula sa iba pang mga pribadong grupo at maging ang mga non-government organization (NGO) na handang tumulong sa darating na panahon.

“Inaasahan namin na mas lalakas pa ang pakikipag-ugnayan ng PCUP sa iba’t ibang mga indibidwal at grupo o organisasyon para maitaguyod ang adhikain ng ating Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na malutas ang problema ng kahirapan sa ating bansa,” kanyang pagtatapos.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -