27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

Handang-handa na sa UPSW ng PCUP

- Advertisement -
- Advertisement -

DILIMAN, Lungsod Quezon — Wala nang aantala pa sa pinakamalaking event ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP)—ang Urban Poor Solidarity Week (UPSW)—na sisimulang ngayong araw na ito at magtatapos sa Huwebes sa susunod na linggo habang ang huling seremonya ay isasagawa sa Miyerkules, Disyembre 7.

May temang ‘Ika-36 na taon ng Pinag-ibayong Serbisyo tungo sa Pagbangon ng Maralitang Pilipino: Pusong PBBM, Pusong Pilipino’, hinayag ni PCUP chairperson and chief-executive-officer Undersecretary Elpidio Jordan Jr. na maaaring umabot sa mahigit dalawang libo ang dadalo sa selebrasyon dahil itatanghal ang pagdiriwang ng magkakasabay sa National Capital Region, Luzon, Visayas at Mindanao.

Pangungunahan ng Mandaluyong City ang pagdiriwang ng UPSW sa inisyatibo ng local chief executive ng lungsod na si Mayor Benjamin Abalos Sr. at isasagawa ito sa Mandaluyong City College sa Barangay Addition Hills.

Inanunsyo ni Usec. Jordan na hindi lamang magiging selebrasyon ito ng matibay na relasyon sa pagitan ng pamahalaan at maralitang tagalungsod kundi aalalahanin din ito sa paglagda ng mga kasunduan sa mga partner agency ng PCUP at pagbibigay parangal sa mga urban poor organization (UPO) at local government units (LGU) at ang kanilang mga lider at ang paglulunsad ng apat na banner program ng Komisyon na nakatakdang simulan sa susunod na taon.

Bukod sa mga ito, magkakaroon din ng cultural presentation mula sa PCUP Dance Group at mga pagtatanghal ng mga UPO at iba pang kalahok sa pagdiriwang.

“Umaasa tayong sa pamamagitan ng ating pagdiriwang ng UPSW ay makikita ng ating mga maralita ang pakikiisa ng ating pamahalaan sa kanila upang makamit ang maganda at maayos na pamumuhay habang ang ating bansa ay patungo sa pag-unlad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr,” pinunto ni Usec. Jordan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -