24.7 C
Manila
Sabado, Marso 2, 2024

Malabon LGU, PCUP nagkasundong magtulungan para sa mga ISF na nakatira sa Tullahan River

- Advertisement -
- Advertisement -

Nagkasundo ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at ang Malabon local government unit na magtulungan upang lalo pang palakasin ang kanilang ugnayan sa mga maralitang taga-lungsod na naninirahan sa gilid ng Tullahan River.

Nagpulong kamakailan si Malabon Mayor Jeannie Sandoval at PCUP-National Capital Region Commissioner Rey Galupo at nagkasundo na makipag-dayalogo sa mga informal settlers na naninirahan sa Tullahan River dahil sa patuloy na panganib na kinakaharap ng mga ito sa tuwing meron namumuoong sama ng panahon.

Sinabi ni Sandoval na isa ito sa mga problema na kinakaharap ng pamunuan ng lungsod sapagkat napakahirap kumbinsihin ng mga naninirahan doon na lumikas tuwing may bagyo
o pagtaas ng tubig.

“Hindi naming sila makumbinsi na lisanin ang kanilang mga tahanan kaya pinakikilos naming ang aming mga rescue teams na magantabay upang matiyak ang kanilang kaligtasan,” Sabi ni Sandoval.

Sinabi ni Sandoval na ikinagagalak niya ang pangako ng PCUP-NCR Commissioner’s office na makipag-dayalogo sa mga informal settlers upang matiyak na maiparating ang layunin ng pamahalaan at ng mga opisyal ng Malabon na tumugon sa kanilang mga pangangailangan.

Lininaw ni Galupo na isa sa mga mandato ng PCUP ay magsilbing tagapag-ugnay ng mga maralitang taga-lungsod sa pamahalaan sa paglikha ng mga programa at polisiya upang matugunan ang kanilang kalagayan.

“Ang pinakamahalaga ay bumaba kami sa kanila upang personal na marinig ang kanilang mga hinaing,” saad ng PCUP official.

Pinasalamatan din ni Galupo si Sandoval at ang kaniyang mga tauhan sa kanilang pagsusulong ng mga programang tumutugon sa mga problema ng mga maralitang taga-lungsod.

Pinasinayaan din ni Galupo “Angat Dunong Serbisyo Program,” ng lungsod kung saan tumanggap ang mahigit 100 urban poor beneficiaries ng tulong pangkabuhayan sa pamamagitan ng Malabon Community Urban Poor Affairs Office.

Nangako rin si PCUP official na makikipagugnayan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang makatulong sa mga training program ng kanilang mga benipisyaryo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -