25.6 C
Manila
Linggo, Enero 5, 2025

Pangandaman, inaprubahan ang pagpapalabas ng P25.16 bilyon para sa isang buong taong health insurance ng 8.4 milyong indigents

- Advertisement -
- Advertisement -

Inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng may halagang P25,157,547,000 (P25.16 bilyon) sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na sasakop sa isang taong health insurance premiums ng nasa 8,385,849 kwalipikadong mga kababayan nating salat sa kabuhayan na enrolled sa PhilHealth.

Inaprubahan ng Budget Secretary ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) noong ika-23 ng Mayo 2023.

“Iniutos po ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang gabinete na siguruhing mabibigyan ang bawat Pilipino ng abot-kayang health care. Pinamulat sa atin ng pandemya ang kahalagahan ng mas matatag na health care system, kaya’t pinagsisikapan po natin na ilapit ito sa ating mga kababayan, lalong-lalo na po sa mga higit na nangangailangan,” ani Secretary Pangandaman.

Ang mga indigent persons ay iyong mga walang hanapbuhay o kaya naman ay hindi sapat ang kita para sa mga pangangailangan ng pamilya, na tinukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), base sa mga specific criteria nito.

Alinsunod sa Republic Act (RA) 11936, kukunin ang pondo mula sa authorized allotment sa ilalim ng FY 2023 General Appropriations Act (GAA),

Kung matatandaan, noong ika-4 ng Abril 2023, inaprubahan din ng DBM ang pagpapalabas ng may kabuuang P42,931,355,000 na sakop ang isang taong health insurance premiums ng higit 8.5 milyong senior citizens sa buong bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -