TINANGGAL sa trabaho ang 26 na empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) habang dalawa pa ang sinuspinde simula pa noong nakaraang taon.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang dahilan ng pagkakatanggal sa trabaho ay nag-iiba mula sa grave misconduct, serious dishonesty, pamemeke ng mga oipisyal na dokumento, kapabayaan sa tungkulin, hindi pagsunod at madalas na hindi awtorisadong pagliban.
Nais din ni Lumagui na magsagawa ng regular na imbestigasyon sa mga opisyal ng ahensya at kung may sapat na katibayan para patalsikin ay kanilang isasagawa. Kung may batayan din para suspendihin ay kanila ring gagawin.
“We are committed to provide a new BIR to the public. One that has integrity and professionalism,” diin pa ni Lumagui.