30.3 C
Manila
Miyerkules, Marso 19, 2025

Portugal company, magtuturo kung paano puksain ang ASF

- Advertisement -
- Advertisement -

HANDANG magtungo sa Pilipinas at magbigay ng kaalaman ang isang kompanya mula sa bansang Portugal upang puksain at patigilin ang pagkalat ng African swine fever (ASF) sa bansa.

Ito ang ipinabatid ni Portuguese nonresident Ambassador to the Philippines Maria Joào Falcào Poppe Lopes Cardoso kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez nang mag-courtesy call ito sa kanya noong Miyerkules.

Ie-endorso naman ni Romualdez ang usapin sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para isulong ang alok ng tulong ng Portugal, isa sa dalawang bansa sa Europa na naging matagumpay sa pagpuksa sa ASF.

Sinabi naman ni Ramon Garia Jr., honorary consul ng Portugal sa Maynila, na handang magpadala ng dalawang eksperto ang isang organisasyon ng pork producers sa kanilang bansa para sanayin ang mga tauhan ng Bureau of Animal Industry sa pagpuksa sa nakamamatay at lubhang nakakahawa na ASF virus.

Sa mga naunang ulat, hanggang noong Hunyo 1, 15 lalawigan sa Pilipinas ang may mga aktibong kaso ng ASF.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -