25.6 C
Manila
Linggo, Enero 5, 2025

Lindol sa Calatagan, walang kinalaman sa bulkang Taal

Tamang paghahanda sa malalakas na lindol

- Advertisement -
- Advertisement -

Ang naganap na pagyanig ng lindol sa Calatagan, Batangas kahapon, Hunyo 15, bandang 10:19 nang umaga ay walang kinalaman sa Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Phivolcs earthquake protection division senior science research specialist na si Johnlery Deximo, walang kinalaman ang lindol sa mga aktibidad ng Bulkang Taal. Ayon sa buod ng 24 na oras na pagmamanman ng DoST-Phivolcs, simula 5:00 ng umaga ng Hunyo 14 hanggang 5:00 ng umaga ng Hunyo 15, nagkaroon ng bahagyang aktibidad ang Bulkang Taal.

Naglabasan ng building ang mga empleyado ng Department of Finance sa Maynila dahil sa lindol na Magnitude 6.3. Larawan ni Rene H. Dilan

Naitala ang sentro ng lindol apat na kilometro ang layo sa timog-kanlurang bahagi ng Calatagan, Batangas. May lalim ang lindol na 119 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

May dalawang uri ng lindol. Una, ang tectonic earthquake na nangyayari sa tuwing nagkakaroon ng biglaang paggalaw sa mga faults at plate boundaries.  Ang “volcanic earthquakes” naman ay kapag nagkaroon ng pag-akyat ng lava o magma sa ilalim ng mga aktibong bulkan.

Ang lindol (kilala rin bilang quake, tremor, or temblor sa wikang Ingles) ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nanggagaling sa ilalim ng lupa. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa.


Upang lalong maintindihan ang mga nangyayari kapag may lindol, nagpalabas ang Department of Science and Technology (DoST)-Phivolcs ng mga senaryo na mahalaga sa tamang paghahanda at pagtugon sa malalakas na lindol.

Nilinaw ng DoST-Phivolcs na nagbibigay ang kanilang tanggapan ng mga Earthquake Scenarios (senaryo ng lindol)  at hindi Earthquake Predictions (mga hula ng tungkol sa lindol).

Paliwanag pa ng pahayag ng DoST-Phivolcs, ang mga earthquake scenarios na kanilang ibinibahagi ay iba’t ibang senaryo ng malalakas  at mapaminsalang lindol na maaaring maganap sa isang tiyak na lugar o rehiyon. Ito ay nakabatay sa mga earthquake generators (active faults at trenches) na malapit o nasa paligid ng isang lugar.

Maaaring malaman ang magnitude ng lindol batay sa haba ng mga active faults. Ang mas mahabang active fault ay nangangahulugan ng mas mataas na magnitude.

- Advertisement -

Kasama ng Earthquake Scenarios, ay ang pagbabahagi ng mga panganib ng lindol (earthquake hazards) na maaaring mangyari tulad ng pinakamalakas na intensity ng pagyanig (ground shaking), ground rupture kung may active fault sa isang lugar at posibilidad ng liquefaction, landslide at tsunami.

Sa mas detalyadong Earthquake Scenarios, malalaman din ang bilang ng maaaring mamatay, masugatan, masisirang mga gusali at kabuuang halaga ng epekto sa ekonomiya.

Isang halimbawa ay ang earthquake scenario sa Metro Manila na kung saan ang West Valley Fault na may habang 100 km sa silangang bahagi ng Metro Manila ay magdudulot ng magnitude 7.2. Ang buong Metro Manila kasama ang ilang bahagi ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna ay makakaramdam ng Intensity 8 na lindol. Dahil sa tindi ng lakas ng pagyanig ito ay lubhang mapaminsala.

Ang mga lugar sa Metro Manila na malapit sa mga ilog at dalampasigan ay magkakaroon ng liquefaction. Dahil sa lakas ng pagyanig maraming mga gusali at mga tahanan ang masisira (> 88 million square meters of floor area in complete collapsed damage). Mahigit 30,000 katao ang maaaring mamatay at 14,000 katao ang maaring lubhang masasaktan. Ang kabuuang epekto nito sa eknomiya ay mahigit P2 trilyon.

Ang mga Earthquake Scenarios ay maaring gamiting batayan ng mga lokal na pamahalaan at ng komunidad sa kanilang mga ginagawang paghahanda at earthquake contingency plans. Bisitahin ang opisyal na website ng DoST-Phivolcs

(https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php) para sa karagdagang kaalaman ukol sa Earthquake Scenarios at Earthquake Preparedness.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -