28.1 C
Manila
Lunes, Enero 20, 2025

Pinoy tinanghal na editor ng kilalang int’l science journal

- Advertisement -
- Advertisement -

SA unang pagkakataon sa 77-taong kasaysayan nito, ang kilalang siyentipikong publikasyon na Optik: International Journal for Light and Electron Optics ay pamumunuan ng isang Pilipinong siyentipiko.

Itinalaga ng limbagan si Prop. Percival Almoro ng University of the Philippines – Diliman College of Science National Institute of Physics (UPD-CS NIP) bilang Section Editor ng journal na Optik ng limbagan na Elsevier simula Hunyo 2023.

Itinatag noong 1946, ang Optik ay isang kilalang pandaigdigang pahayagang pang-agham, at naglathala ng mga gawang isinulat ng mga kilalang pisiko tulad nina R.W. Gerchberg at W.O. Saxton, na siyang nagdiskubre ng “Gerchberg-Saxton phase retrieval algorithm.” Ang Optik ay siya ring opisyal na pahayagan ng German Society for Applied Optics, na kinabibilangan ng mga tanyag na siyentipikong pinagkalooban ng Nobel Award gaya nina nina Stefan Hell (noong 2014, para sa super-resolved fluorescence microscopy) at Dennis Gabor (1979, holography). Noong 2021, mayroong impact factor na 2.84 ang Optik.

Sa kanyang bagong posisyon bilang editor, si Almoro ang magiging huling tagapag-desisyon sa mga espesyalisadong nilalaman ng journal tulad ng optical metrology, interferometry, at phase retrieval.

“Ang pagiging editor ng Optik ay isang malaking karangalan hindi lamang para sa akin kundi para sa lahat ng Pilipino,” sabi ni Almoro. “Pinapahayag nito sa buong mundo na ang mga siyentipikong Pilipino ay may kakayahang magsagawa ng mataas na kalidad ng pananaliksik.”

Para sa mga hiling ng interbyu at iba pang mga katanungan, mangyaring mag-email sa [email protected].

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -