24.6 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 25, 2024

VP Sarah: Magtiyaga para matatag

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIKAYAT ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga empleyado ng Department of Education (DepEd) na maging matiyaga habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin kasabay ng pagpapatupad ng mga pangunahing reporma na naaayon sa “Matatag” Basic Education Agenda ng kagawaran.

Matatandaang inilunsad noong Enero 30, 2023 ang Matatag: Bansang Makabata, Batang Makabansa upang itakda ang bagong direksyon ng ahensya at mga stakeholder sa pagresolba sa mga hamon sa basic education.

Vice President at Education Secretary Sara Duterte

May apat na bahagi ang Matatag – Make the curriculum relevant to produce competent and job-ready, active, and responsible citizens (Gawing may kaugnayan ang kurikulum sa pagkakaroon ng mga mamamayang mahusay, responsable at may kahandaan sa anumang trabaho); Take steps to accelerate delivery of basic education facilities and services (Gumawa ng mga hakbang upang mapabilis ang paghahatid ng basic facilities and services);  Take good care of learners by promoting learner well-being, inclusive education, and a positive learning environment (Alagaang mabuti ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kagalingan ng mga ito, inclusive education, at isang positibong kapaligiran sa pag-aaral); at Give support to teachers to teach better (Bigyan ng suporta ang mga guro upang makapagturo ng mas mahusay).

Sa kanyang mensahe sa mga tauhan ng DepEd sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng ahensya, sinabi ni Duterte na dapat maging “selfless” ang mga kawani sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.

Ito ay upang maabot ng mga estudyante ang kanilang minimithi at mahasa silang maging “active builders” at bahagi ng “future workforce” ng bansa.


“Kaya, nangangako kami na higit na mapaglingkuran ang ating DepEd bilang isang pampublikong institusyon na itinatag na may misyong protektahan at itaguyod ang karapatan ng bawat batang Pilipino sa de-kalidad at kumpletong basic education,” dagdag ng kalihim.

Umaasa rin ang bise presidente na ang anibersaryo ng DepEd ay magsisimula ng panibagong kabanata ng paglilingkod na may layuning maisulong ang mas epektibong pag-aaral pati na rin ang pagtataguyod ng isang gender-sensitive, safe at motivating na kapaligiran sa pag-aaral, habang pinangangalagaan ang isang komunidad ng mga lifelong learners.

Anniversary bonus

Bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng pagkakatatag ng ahensya, inanunsyo ng DepEd ang pagbibigay ng P3,000.00 anniversary bonus sa lahat ng karapat-dapat na mga tauhan ng kagawaran.

- Advertisement -

Ayon sa DepEd Order No. 11, s. 2023 na pinamagatang “Policy on the Grant of Anniversary Bonus in the Department of Education,” ang mga kwalipikadong tauhan ng DepEd ay tatanggap ng anniversary bonus na hindi hihigit sa P3,000.00. Ito ay sa kondisyon na sila ay nakapagbigay ng hindi bababa sa isang taon ng serbisyo sa departamento mula noong petsa ng milestone year.

Nakasaad rin sa issuance na ang lahat ng opisyal at empleyado ng DepEd na nagtatrabaho sa full-time o part-time basis, permanent, coterminous, provisional, temporary, casual, o contractual, mga ang trabaho ay katulad ng regular na empleyado, ay makatatanggap ng anniversary bonus.

Ang mga absent without leave (AWOL) o wala na sa serbisyo noong Hunyo 23, o napatunayang nagkasala na may kaugnayan sa kanilang trabaho sa loob ng nagdaang limang taon pati na rin ang mga consultant, may contract of service, sakop ng job order ay hindi kasali sa mabibigyan ng biyaya.

Ang kautusan ay may layunin na magbigay ng multi-year policy guideline sa pagkakaloob ng anniversary bonuses (AB) sa lahat ng opisyal at empleyado ng DepEd para sa bawat milestone year simula FY 2023, at milestone years pagkatapos nito.

Ang milestone years ay tinukoy bilang ika-15 anibersaryo ng ahensya ng gobyerno at bawat ika-limang taon pagkatapos noon.

Ang anniversary bonus ay hindi dapat ibigay ng mas maaga kaysa sa Hunyo 23 ng milestone year.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -