28.1 C
Manila
Lunes, Enero 20, 2025

Turismo sa Pilipinas, business ng lahat

‘Love the Philippines,’ slogan inilunsad

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng Pilipino na maging “tourism ambassador” o “top influencer” ng bansa dahil naniniwala siya na ang Pilipinas ang susunod na “tourism powerhouse” sa Asya.

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang tinatanggap mula kay Tourism Secretary Christine Garcia Frasco ang Plake ng Pagpapahalaga bilang panauhing pandangal sa ika-50 anibersaryo ng DoT. LARAWAN MULA SA DOT

“I enjoin you all to be our country’s promoters, advocates, and if I may borrow a coined term in this age of social media— be our country’s ‘top influencers’,” sabi ng Pangulo sa kanyang speech sa ginanap na ika-50 anibersaryo ng Department of Tourism (DoT) na ginanap sa The Manila Hotel.

Pinangunahan din ng Pangulo ang paglulunsad ng bagong slogan ng DoT na “Love the Philippines.”

“And what better way to express that love than by directly incorporating it into our country’s newest tourism campaign slogan,” sabi ni Marcos at idinagdag na ang bagong “branding” ay magiging tanda ng industriya ng turismo ng Pilipinas.

Ang bagong lunsad na ‘Love the Philippines’ logo LARAWAN MULA SA DOT

Samantala, ipinaliwanag ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ang bagong slogan ng DoT na Love the Philippines ay tumitimo sa bawat puso ng mga Pilipino na may katangiang maging natural na “hospitable” sa lahat.


“The Philippines is a powerhouse of mega biodiversity, being only one of 18 mega biodiverse countries in the world, a deep well of culture and history, a profound burst and taste of flavor and gastronomy, a tapestry of indigenous peoples and creative communities by whose work of their hands have safeguarded the dignity and integrity of the Filipino identity. This is who we are. These complexities and nuances of the Philippines have yet to be fully articulated to the world for indeed, the story of the Filipino has yet to be fully told, and we shall tell that story by telling them the story of love. Love the Philippines,” (“Ang Pilipinas ay isang powerhouse ng mega biodiversity, bilang isa sa 18 mega-biodiverse na bansa sa buong mundo, may malalim na balon ng kultura at kasaysayan, may kakaibang pasabog ng lasa at timpla ng mga pagkain, isang tapestry ng mga katutubo at malikhaing komunidad kung saan ang gawa ng kanilang mga kamay ay napangalagaan ang dignidad at integridad ng pagkakakilanlang Pilipino. Ito ay kung sino tayo. Ang mga kumplikasyon at nuances ng Pilipinas ay hindi pa ganap na naipahahayag sa mundo dahil ang totoo, ang kuwento ng Pilipino ay hindi pa ganap na naipapahayag, at ikukuwento natin ang kuwentong iyon sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila ng kuwento ng pag-ibig. Mahalin ang Pilipinas,” sabi ni Frasco.

Sa nakaaraang survey na isinagawa ng United Nations World Travel Organization (UNWTO) sa mga miyembrong bansa nito, ang market repositioning, at estratehiyang rebranding ay kabilang sa mga prayoridad na tinukoy pagkatapos ng pandemya batay sa Survey Findings on Member Priorities para sa UNWTO program of work 2024-2025.

Kasama ang pinahusay na kampanya sa turismo, ang pokus ngayon ng DoT ay ipakita pa lalo kung ano pa ang mga dahilan kung bakit dapat “Mahalin ang Pilipinas” habang ito ay sumusulong sa pagsasakatuparan ng bisyon ni Pangulong Marcos, Jr. na maging isang powerhouse ng turismo sa Asya.

Tinatayang 2,641,993 ang mga naging bisita ng Pilipinas mula Enero 1 hanggang Hunyo 26, 2023.

- Advertisement -

Higit pa rito, itinuturing na matatag ang turismo ng Pilipinas dahil sa kontribusyon sa gross domestic product (GDP). Ayon sa 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts (PTSA) ang Tourism Direct Gross Value Added (TDGVA) na bahagi ng sektor sa ekonomiya ng Pilipinas, na sinusukat ng Gross Domestic Product (GDP), ay tinatayang nasa 6.2 porsyento at nagkakahalaga ng P1.38 trilyon noong 2022.

Umabot din sa 5.35 milyon ang nagkaroon ng trabahong may kaugnayan sa turismo noong nakaraang taon.

Ang Pilipinas ay ika-anim sa listahan ng mga nangungunang tourism magnets sa Southeast Asia.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -