26.7 C
Manila
Linggo, Enero 26, 2025

Samar Pacific Coastal Road Project pinasinayaan ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -

MAY bago nang coastal road sa Northern Samar pagkatapos ng tatlong dekada. Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Samar Pacific Coastal Road Project noong Biyernes na ginanap sa bayan ng Palapag.

Pagkatapos ng 30 taon, tinapos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang economic dislocation ng mga residente ng Northern Samar sa inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road Project noong Biyernes LARAWAN MULA SA PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE

Nagsimula ang Samar Pacific Coastal Road project sa kalagitnaan ng taong 2018 sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at natapos sa ilalim ng “Build Better More” program ng administrasyong Marcos Jr.

“With the opening of this road and its bridges, the development of Northern Samar’s rich agricultural lands and bountiful fishing grounds will follow suit,” (“Sa pagbubukas ng kalsadang ito at sa mga tulay nito, ang pag-unlad ng mayamang lupaing agrikultural sa Northern Samar at masaganang pangingisda ay susunod na,” sabi ni Marcos sa kanyang talumpati sa inagurasyon na dinaluhan ng Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-hwa.

“We have been talking about this but then when it was starting to move again, the pandemic hit.  So, tigil na muna. And so that is why, it was so important for me to come and to be able to see exactly what finally we have been able to complete, that to all of us here from Eastern Visayas have been waiting to see,” (“Napag-usapan na namin ito ngunit nang magsimula itong muli, tumama ang pandemya. So, tigil na muna. Kaya nga, napakahalaga para sa akin na pumunta at makita kung ano talaga ang natapos natin, na hinihintay nating lahat dito sa Eastern Visayas,”) dagdag ng Pangulo.

Nasa 11.6 kilometro ang haba ng bagong kalsada at nagko-konekta sa mga bayan ng Simora, Laoang, Palapag at Catubig.

Ipinahayag ni Marcos ang kanyang pasasalamat sa gobyerno ng South Korea para sa tulong nito sa paglalatag ng saligan “para sa isang mas progresibo at maunlad na Pilipinas” at para sa pagpopondo sa 21 iba pang mga proyekto sa bansa, na inaasahang dadami pa sa susunod na mga taon habang umaasa siya sa kabutihan at relasyon ng Pilipinas at Korea.

Nangako naman si Lee na  “to forge stronger ties between our governments and peoples.” (“magtatatag ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng ating mga pamahalaan at mga tao.”)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -