28.6 C
Manila
Sabado, Abril 20, 2024

Kris Aquino inihayag kung bakit sila naghiwalay ni Mark Leviste

- Advertisement -
- Advertisement -

NOONG nakaraang linggo, July 10, 2023, nauna nang inanunsyo ni Kris Aquino na hiwalay na sila ni Batangas Vice-Governor Mark Leviste, ngunit Lunes ng gabi, July 17, ay inilahad naman ng aktres kung ano ang dahilan ng hiwalayang ito.

Si Kris (gitna) kapiling ang dalawang anak na sina Bimby (kaliwa) at Josh (kanan) na binisita ang kanilang ina sa California. (KRISAQUINO/INSTAGRAM)

Sa kanyang post sa Instagram, kasama ng isang selfie ng dalawang anak na sina Josh at Bimby, may dalawang notes ang aktres kasunod nito.

Ayon sa unang note, inamin ni Kris na “cleansed version” lamang ang ipinarating niya sa kanyang mga followers at sinabing, “I didn’t lie when I said a long distance relationship is difficult.”

Batid din umano ni Kris ang responsibilidad ng Bise-Gobernador at gusto lamang niyang maging realistic sa desisyon “..BUT I saw he has many dreams left to fulfill and many obligations to the people who gave him their vote. Sadly, I’m in the battle of my life precisely because I’m doing all I can to save my life because my 2 sons still need me. I’m realistic enough that Marc has a life beyond trying to help take care of me.”

Humingi din ng dispensa ang dating aktres dahil bagama’t ayaw niyang maging makasarili pinili nitong huwag nang mai-stress sa buhay sa tuwing nakikita nito ang mga masasayang posts ni Marc habang siya ay nagdurusa sa malayong lugar.

Aniya, “If we had tried to stay together as a couple the ending would still be the same, tao rin ako na mapipikon at magtatampo dahil mararamdaman kong, hindi ba nya naisip ang hirap na pinagdadaanan ko?”

Kung saan sa pangalawang note ay binanggit nito na hindi pa umano handa si Leviste sa seryosohang relasyon, “Kaya minabuti ko nang sa’kin manggaling kasi nakita at naramdaman kong hindi sya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon kasama ang isang babae na tinatanggap ang realidad na yung buhay nya ngayon ay pinahiram na oras lamang ng Diyos.”

Sa huli ay ipinangako rin ni Kris na, “I’m keeping my word that he will never read nor hear me saying anything negative about him because what for? We’re not enemies, we just weren’t meant for each other.”

Aniya, “pareho kaming may karapatan na mabuhay sa paraan na pinaka-payapa ang mga puso namin.”

Si Mark Leviste kasama si Kris Aquino. (MARKLEVISTE/INSTAGRAM)

Sa kabilang banda, sumagot si Leviste sa naturang post at nag-iwan ng comment na, “Love, love, love you-all ”

Hindi rin nito pinalampas na mag-post sa sariling account at ibinahagi ang litrato nilang dalawa na may caption na, “For Love, Friendship and Posterity  #MarKris”

Kasalukuyan nagpapagamot si Kris sa ibang bansa matapos ma-diagnosed ng apat na autoimmune condition. Kasama nya din ang dalawang anak na bumisita sa aktres sa pagsisimula ng buwan.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -