26.8 C
Manila
Lunes, Enero 20, 2025

Pope Francis sa mga kabataan: Huwag kayong matakot

- Advertisement -
- Advertisement -

“Huwag kayong matakot.”

Ito ang mensahe ni Pope Francis sa mga kabataang Katoliko noong Linggo sa pagtatapos ng Misa ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan o World Youth Day (WYD) 2023 sa Lisbon, Portugal.

Matatandaang ganito rin ang naging panawagan ng kanyang hinalinhan at ang tagapagtatag ng internasyonal na pagtitipon ng kabataan, St. Papa Juan Pablo 2nd.

“Dear young people, I would like to look into the eyes of each one of you and tell you: be not afraid, be not afraid,” sabi niya noong Agosto 6 sa isang maaraw na umaga sa tinatawag ng mga organizer na “Field of Grace”. (“Mahal kong mga kabataan, gusto kong tumingin sa mga mata ng bawat isa sa inyo at sabihin sa inyo: huwag matakot, huwag matakot.”)


“I tell you something very beautiful: it is no longer me, it is Jesus himself who is looking at you in this moment, he is looking at you,” sabi pa ng Papa. (“Sinasabi ko sa iyo ang isang bagay na napakaganda: hindi na ako, si Hesus mismo ang tumitingin sa iyo sa sandaling ito, siya ay nakatingin sa iyo.”)

“He knows you, he knows the heart of each one of you, he knows the life of each one of you, he knows the joys, he knows the sadness, the successes and the failures.” (“Kilala ka niya, alam niya ang puso ng bawat isa sa inyo, alam niya ang buhay ng bawat isa sa inyo, alam niya ang kagalakan, alam niya ang kalungkutan, tagumpay at kabiguan.”)

Sinabi pa ni Pope Francis na kilala ni Hesus ang puso ng mga kabataan. “He sees our hearts. And he tells you today here in Lisbon, on this World Youth Day: ‘Be not afraid, be not afraid, take heart, be not afraid.’” (“Nakikita niya ang ating mga puso. At sinasabi niya sa iyo ngayon dito sa Lisbon, sa World Youth Day na ito: ‘Huwag matakot, huwag matakot, lakasan ang loob, huwag matakot.’”

Isang Misa ang pinamunuan ni Pope Francis sa Pista ng Pagbabagong-Anyo (Feast of the Transfiguration) na dinaluhan ng tinatayang 1.5 milyong tao sa Parque Tejo, kung saan ang mga kabataan at kanilang mga pinuno ay nagkampo nang magdamag kasunod ng isang prayer vigil. Humigit-kumulang 10,000 pari at 700 obispo ang nakasama ng papa sa isinagawang concelebrated mass.

- Advertisement -

Ang Misa ang naging hudyat ng opisyal na pagtatapos ng internasyonal na pagtitipon ng mga kabataan na nagsimula noong Agosto 1. Sa loob ng isang linggo ay nagkaroon ng iba’t ibang aktibidad tulad ng panalangin, misa, konsiyerto, talakayan sa relihiyon at kaganapang pangkultura.

Maging God influencers

Nanawagan naman si Cardinal Luis Antonio Tagle sa mga kabataan na maging influencer sa social media na may layuning ipangaral ang Ebanghelyo ni Hesukristo.

Sa pagsasalita sa mga kabataang Pilipinong pilgrims na dumalo sa World Youth Day (WYD) sa Lisbon, nagpahayag siya ng pag-asa na makakahanap sila ng paraan upang maunawaan at matuto kay Hesus kung paano maimpluwensyahan ang iba.

“Please, young people of the Philippines, spread the influence of Jesus, the influence of truth, justice, caring for the earth, and caring for fellow human beings in the world called social media,” ani Tagle. (“Pakiusap, mga kabataan ng Pilipinas, ipalaganap ang impluwensya ni Hesus, ang impluwensya ng katotohanan, katarungan, pagmamalasakit sa lupa, at pagmamalasakit sa kapwa tao sa mundo ng tinatawag na social media.”)

Ginawa ng cardinal ang panawagan sa “One Filipino Reunion” sa Lisbon, kung saan itinampok ang isang Misa sa pamumuno ni Bishop Rex Andrew Alarcon ng CBCP Episcopal Commission on Youth sa St. Mary Magdalene Church.

- Advertisement -

“Para sa Ukraine”

Umapela si Pope Francis para sa kapayapaan sa mundo at sa Ukraine sa isang maikling talumpati bago ang Angelus sa pagtatapos ng Misa.

“Let us accompany with our thoughts and prayers those who could not be with us because of armed conflicts and wars,” aniya. “Indeed, there are many of them in our world. In thinking of this continent, I feel great sorrow for beloved Ukraine, which continues to suffer greatly.” “Isama natin sa ating mga iniisip at panalangin ang mga hindi makakasama natin dahil sa mga armadong labanan at digmaan. Talagang marami sila sa mundo natin. Sa pag-iisip sa kontinenteng ito, nakadarama ako ng matinding kalungkutan para sa minamahal na Ukraine, na patuloy na nagdurusa nang labis.”

“Allow me, as an older person, to share with you young people a dream that I carry within me: it is the dream of peace, the dream of young people praying for peace, living in peace and building a peaceful future,” dagdag ng Papa. “”Hayaan n’yo ako, bilang isang mas nakatatanda, na ibahagi sa inyo mga kabataan ang isang pangarap na dinadala ko sa loob ko: ito ay ang pangarap ng kapayapaan, ang pangarap ng mga kabataan na nagdarasal para sa kapayapaan, namumuhay sa kapayapaan at pagbuo ng mapayapang kinabukasan.”)

“As we pray the Angelus, let us place the future of humanity into the hands of Mary, Queen of Peace. As you return home, please continue to pray for peace.” (“Habang nananalangin tayo sa Angelus, ibigay natin ang kinabukasan ng sangkatauhan sa mga kamay ni Maria, Reyna ng Kapayapaan. Sa iyong pag-uwi, mangyaring patuloy na manalangin para sa kapayapaan.”

Sinabi pa ng papa sa mga kabataan, “you are a sign of peace for the world, showing how different nationalities, languages and histories can unite instead of divide. You are the hope of a different world. Thank you for this. Onwards!” (“Kayo ay isang tanda ng kapayapaan para sa mundo, na nagpapakita kung paano maaaring magkaisa ang iba’t ibang nasyonalidad, wika at kasaysayan sa halip na hatiin. Kayo ang pag-asa ng isang kakaibang mundo. Salamat dito. Sulong!”)

At isa sa mga sumama sa vigil at Misa ni Pope Francis ay si Marina Aleykseyeva, 31, mula sa Kiev, Ukraine, na nagsabing, “we are here to pray for the country, to pray for peace,” aniya sa panayam ng CNA. “This World Youth Day is very, very special because all [of us] Ukrainians came here to pray for peace, to pray for the soldiers and for our families.” (“Narito kami upang manalangin para sa bansa, upang manalangin para sa kapayapaan. Ang World Youth Day na ito ay napaka-espesyal dahil lahat kaming mga Ukrainians ay nagpunta rito upang manalangin para sa kapayapaan, upang manalangin para sa mga sundalo at para sa ating mga pamilya.”

Idinagdag pa ni Aleykseyeva, isang Latin Catholic, na naantig ang kanyang damdamin dahil sa dami ng mga taong lumapit sa kanila at nagsabing ipinagdarasal nila ang Ukraine at ang mga mamamayan nito.

Katunayan, minomonitor nila sa cellphone ang pinakahuling kaganapan sa Ukraine at sinamahan sila ng ilang kabataang babae mula sa Italya para manalangin.

Aniya pa, “now we can return to our country and tell everyone that so many people who believe in God are praying for us from all over the world.” (“Ngayon ay makakabalik na tayo sa ating bansa at sabihin sa lahat na napakaraming tao na naniniwala sa Diyos ang nananalangin para sa atin sa buong mundo.”)

Pananghalian kasama ang Pope

Isang Pilipina na nagsilbing service volunteer para sa WYD ang nakasama ni Pope Francis sa isang pananghalian noong Agosto 4 sa apostolic nunciature sa Lisbon.

Si Audrey Abatol ay matagal nang namamangha sa WYD na pinasimulan ni Pope John Paul II. Katunayan, dumalo rin siya sa WYD selebrasyon sa Brazil noong 2012, sa Poland noong 2016 at Panama noong 2019.

Mula noong Nobyembre 2022, siya ay nagboluntaryo sa WYD international relations secretariat matapos magbitiw sa kanyang trabaho sa isang Jesuit-run school sa lungsod ng Mandaue.

At isang sorpresa ang kanyang natanggap nang mapabilang sa 10 volunteers at pilgrims na makakasalo ng Papa sa isang pananghalian.

Ang anim na babae at apat na lalaki nakasalo ng Santo Papa ay may edad sa pagitan ng 24 hanggang 34 taong gulang at nagmula sa iba’t ibang bansa. Tatlo ang nanggaling sa Portugal at tig-isa mula sa Peru, Pilipinas, United States, Brazil, Equatorial Guinea, Palestine, at Colombia.

Ang kanilang edad ay mula 24 hanggang 34, at lahat sila ay nagmula sa iba’t ibang bansa: tatlo mula sa Portugal, at pagkatapos ay tig-isa mula sa Peru, Pilipinas, Estados Unidos, Brazil, Equatorial Guinea, Palestine, at Colombia.

Niregaluhan ni Abatol ang Papa ng isang imahe ng Santo Niño de Cebu at tinanong din niya ito kung paanong magpalaganap ng saya sa mga kabataan at naantig siya umano sa naging sagot nito.

“He said joy is not taught but shown, and that’s what I will bring back with me from this meeting,” aniya. (“Sabi niya, hindi itinuturo ang saya kundi ipinapakita, at iyon ang dadalhin ko mula sa pagpupulong na ito,”)

World Youth Day 2027

Inanunsyo ni Pope Francis noong Linggo sa pagtatapos ng selebrasyon ng World Youth Day (WYD) na ang susunod na magho-host ng internasyunal na pagtitipon ay ang South Korea, tahanan ng isa sa pinakamabilis na lumalagong mga simbahang Katoliko sa mundo.

Nakatakda sa 2027, ang WYD ang magiging una sa Asia pagkatapos ng 32 taon. Ang huli ay ginanap sa Maynila noong 1995.

Ang Arkidiyosesis ng Seoul ay paulit-ulit na inihahayag ang kanilang intensyon na mag-host ng WYD.

Dati nang sinasabi ni Archbishop Peter Chung Soon-taick na “it would be an extraordinary opportunity to relaunch (the) youth ministry in a country struggling with the demographic winter.”  (“Ito ay magiging isang pambihirang pagkakataon upang muling ilunsad (ang) ministeryo ng kabataan sa isang bansang nahihirapan sa demograpikong taglamig.”

Ang WYD, na sinimulan noong 1984 ni St. Pope John Paul II, ay isang malaking pagtitipon kung saan ipinagdiriwang ng mga kabataang Katoliko at mga young adult ang kanilang pananampalataya.

Ito ay ginaganap tuwing dalawa hanggang tatlong taon na may malaking internasyonal na pagtitipon, at sa mga off year, mayroong isang mas maliit na pagdiriwang ang isinasagawa sa Roma.

Kasama ni Alarcon sina Bishops Bartolome Santos ng Iba at Bishop Severo Caermare ng CBCP Episcopal Commission on Indigenous Peoples.

“Every influencer who wants to be an evangelizer must be influenced by Jesus and His Gospel. Only Jesus will make us true influencers. The world already has many false influencers for false purposes,” anang cardinal ayon sa Vatican News. (“Ang bawat influencer na gustong maging isang evangelise ay dapat maimpluwensyahan ni Hesus at ng Kanyang Ebanghelyo. Si Hesus lamang ang gagawa sa atin ng mga tunay na influencer. Ang mundo ay marami nang huwad na influencer para sa huwad na layunin.”

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -