26.4 C
Manila
Huwebes, Agosto 28, 2025

Mababang enrollment sa early childhood education ikinababahala ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

BAGAMA’T malinaw na may benepisyo ang early childhood education sa mga mag-aaral, 9% lamang ng mga batang 2 hanggang 4 na taong gulang ang naka-enroll sa mga national child development centers (NCDCs) at mga child development centers (CDCs) para sa School Year 2022-2023.

Sa kabila ng katotohanan na maraming benepisyo ng pagkakaroon ng early childhood education, umabot lang sa 9% ang mga batang edad 2 hanggang 4 ang naka-enroll sa national development centers o NCDCs at child development centers o CDCs ngayong school year 2022-2023. Larawan ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN 

Pinuna ito ni Senador Win Gatchalian sa isang pagdinig sa Senado na tumatalakay sa pagpapatatag ng early childhood care and development (ECCD) sa bansa. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Early Childhood Care and Development Council (ECCDC), lumalabas na 608,614 lamang sa 6,835,586 na bilang ng mga batang may edad na 2 hanggang 4 ang naka-enroll sa mga NCDC at CDC, malayo sa target na universal coverage para sa ECCD.

 

Ayon sa Unicef Early Childhood Education Kindergarten to Grade 4 Longitudinal Study noong 2021, mas mataas ang marka sa Literacy (697) pagdating sa Grade 4 ng mga mag-aaral na nakatanggap ng early childhood education kung ihahambing sa mga hindi nakatanggap nito (672). Mas mataas din ang score sa Mathematics (702) ng mga nakatanggap ng early childhood education kung ihahambing sa mga hindi nakatanggap nito (671).

 

Batay sa isang policy note ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit mababa ang enrollment sa pre-kindergarten ay ang pakiwari ng mga magulang na masyado pang bata ang mga batang 4 hanggang 5 taong gulang para pumasok. Batay sa Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS) 2019, lumalabas na 98% ng mga magulang ang naniniwalang masyado pang maaga para sa mga batang nasa ganitong edad ang mag-aral.  

 

Pinuna rin ng PIDS ang hindi pantay na distribusyon ng 56,400 daycare centers sa pagitan ng mga first-class at lowest income municipalities. Iniulat din ng DSWD noong 2022 na 14% ng mga local government units, lalo na ang mga low-income municipalities, ang wala pang mga ganitong center.

 

Sa ilalim ng Basic Education and Early Childhood Education Alignment Act na inihain ni Gatchalian (Senate Bill No. 2029), titiyakin ang ugnayan sa pagitan ng K to 12 basic education curriculum at ECCD curriculum. Layon din ng panukalang batas na palawakin ang responsibilidad ng mga local government units sa pagpapatupad ng ECCD programs, kabilang ang pagkamit ng universal coverage para sa ECCD system at ang paglalaan ng karagdagang pondo at mga resources.

 

“May mga isyu sa pamamahala na kailangan nating tugunan. May 1,500 local government units tayo at napakahirap para sa kanilang magkaroon ng pantay-pantay na pagpapatupad ng programa kung hindi natin aayusin ang sistema,” giit ng mambabatas. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -