28.4 C
Manila
Sabado, Nobyembre 30, 2024

Usapang edukasyon sa balik eskuwela 2023

- Advertisement -
- Advertisement -

ALINSUNOD sa RA 11480, ang school year (SY) 2023–2024 ay pormal na magsisimula sa Agosto 29, 2023, Martes at magtatapos sa Hunyo 14, 2024, Biyernes. Para sa Alternative Learning System (ALS), ang interbensyon sa pag-aaral ay pormal na magbubukas sa parehong petsa ng pampublikong pormal na batayang edukasyon, Agosto 29, 2023.

Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President at Education Secretary Sara Duterte

Ang tanong, handa na ba ang Department of Education at ang mga papasok na mga bata sa hamon ng pag-aaral ngayong school year 2023–2024?

Ayon sa isang pag-aaral noong 2018 ng Program for International Student
Assessment (PISA), nasa huling ranggo sa pagbasa mula sa 79 na bansa ang mga Pilipino na nasa edad 15 taong gulang. Lumalabas na pang 78 rin tayo sa agham at matematika. Nagpapahiwatig na ang limitadong kaalaman sa kadahilanang wala silang sapat na kakayahan na makabili ng gadget at malakas na internet koneksyon na higit na nakakatutulong sa malawak na pagkatuto sa iba’t ibang aralin ng mga mag-aaral kung kaya’t ang krisis ay nakasalalay rin sa katotohanang maraming Pilipino ang hindi marunong magbasa o gumawa ng simpleng matematika.

Bagaman maraming kinakaharap na mga isyu ang sektor ng edukasyon tulad ng mga nabanggit sap ag-aaral, kakulangan ng mga silid-aralan, guro at kagamitang teknikal sa pagtuturo, at mababang kalidad ng edukasyon,  patuloy ang ginagawang mga programa ng pamahalaan para matugunan ang mga ito.

Bagong kurikulum


Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan ang maraming problema ng sektor ng edukasyon tulad ng kakulangan sa mga pasilidad sa mga paaralan at silid-aralan lalo na sa mga liblib na lugar at ang mabagal na pagsasanay ng mga guro at mga mahihinang estudyante.

Bilang tugon sa mga kinakarap na mga problemang ito, inilunsad kamailan ng Department of Education sa pangunguna ng Kalihim ng Edukasyon at Bise Presidente Sara Duterte ang bagong “Matatag Curriculum.” Ito ang bagong “decongested” curriculum na tututok sa mga pangunahing kakayahan at foundational skills para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 10.

Tinatawag na Matatag K-10 (Kinder to Grade 10), ang binagong kurikulum ng batayang edukasyon ay tututok sa mga kasanayan sa literacy at numeracy, babawasan ang bilang ng mga kakayahan sa pag-aaral, balansehin ang mga pangangailangang nagbibigay-malay, na tututuon sa mas mataas na antas ng mga kasanayan sa pag-iisip, mas malinaw na pagpapahayag ng mga kasanayan sa ika-21 siglo, paigtingin ang edukasyon sa pagpapahalaga, palakasin ang edukasyong pangkapayapaan, at gawin itong kapantay ng mga internasyonal na pamantayan.

Sinabi ni DepEd Bureau of Curriculum Development director Jocelyn Andaya sa ginanap na press briefing na “70 percent of the current curriculum had been taken out of the new curriculum simply because there are competencies that repeat; there are competencies that are only ‘nice to know,’ but are not a ‘must to know,’ that is why we are aiming for essential learning competencies”(“70 percent ng kasalukuyang curriculum ay inalis sa bagong curriculum dahil may mga competencies na umuulit; may mga competencies na ‘nice to know, ‘ ngunit hindi ‘kailangang malaman,’ kung kaya’t kami ay naglalayon para sa mga mahahalagang kakayahan sa pag-aaral.”)

- Advertisement -

Kabilang sa mga pangunahing tampok ng Matatag curriculum ang pagtanggal ng Mother Tongue-based na mga asignatura sa unang baitang, na papalitan ng limang pangunahing asignatura sa Baitang 1, na tututok sa literacy at numeracy.

“These learning areas have been deliberately crafted, not just simply merging or integrating the existing learning areas,” (“Ang mga learning areas na ito ay sadyang ginawa, hindi lang basta pagsasama-sama ng mga kasalukuyang learning areas,” sabi ni Andaya.

Nilinaw naman ni DepEd spokesman Undersecretary Michael Wesley Poa na hindi inalis ng bagong curriculum ang paggamit ng Mother Tongue learning gaya ng nakasaad sa K to 12 law.

Sinabi ni Poa na ang kurikulum ng wika ay makatutulong sa pagbuo ng mga kasanayan sa oral language para sa komunikasyon sa wikang mauunawaan ng mga mag-aaral, na mahalaga sa pagbuo ng pundasyon sa mga kasanayan.

Ang kakayahan sa pagbasa at literacy competency, sa kabilang banda, ay magbibigay sa mga mag-aaral ng mga kasanayan sa pagbabasa, pag-unawa, kritikal na pag-iisip, pagmamahal sa pagbabasa, at makatutulong sa mga mambabasa na magkaroon ng tiwala sa sarili at maging mahusay na mga mambabasa.

Ang bagong asignaturang “Makabansa” ay hahabi ng mahahalagang nilalaman at kasanayan mula sa sining at kultura, sibika, kasaysayan, at pisikal na edukasyon at kalusugan.

- Advertisement -

Ang pinagsama-samang asignaturang Makabansa ay isasama sa Baitang 1-3, habang ito ay ide-deintegrate sa Araling Panlipunan (Social Studies), teknolohiya at edukasyong pangkabuhayan, at mga asignatura sa musika, sining at pisikal na edukasyon mula Baitang 4-10.

Itatampok din sa bagong kurikulum ang asignaturang GMRC, o “Good Manners and Right Conduct,” sa Baitang 1-6 at Values Education mula Baitang 7-10, na sinabi ni Andaya na umaayon sa Republic Act 11746, o ang batas na nagpapatibay sa pagkatuto ng asignatura sa kurikulum.

Ang edukasyong pangkapayapaan ay isasama rin sa bagong kurikulum, na, ani Andaya, ay magkakaroon ng mga talakayan tungkol sa kamalayan sa sarili, pag-iwas sa kalamidad, at seguridad ng tao, na magpapabatid sa mga mag-aaral sa paghahanap ng mapayapang resolusyon kahit sa loob ng silid-aralan.

Ang bagong kurikulum ay ipakikilala sa mga phase, kung saan ang mga mag-aaral sa Baitang 1, 4 at 7 ay nakakaranas ng bagong kurikulum sa taong panuruan 2024-2025.

Positibo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang bagong kurikulum ay magbibigay sa mga bata ng “makabuluhang karanasan sa pag-aaral na magpapalakas ng kanilang katalinuhan, magpapaunlad ng kanilang kaalaman, magpapahusay sa kanilang mga kasanayan at talento, at maghahanda sa kanila na maging mahusay, mature na mga indibidwal.”

“It offers a glowing promise in our campaign to improve the country’s basic education as it brings to life our dreams and aspirations for our learners and our country. But it demands the extraordinary dedication, commitment, support, and resolve of our education stakeholders,” (“Nag-aalok ito ng isang maningning na pangako sa aming kampanya upang mapabuti ang pangunahing edukasyon ng bansa habang binibigyang-buhay nito ang aming mga pangarap at mithiin para sa aming mga mag-aaral at sa aming bansa. Ngunit hinihingi nito ang pambihirang dedikasyon, pangako, suporta, at pagpapasya ng aming mga stakeholder sa edukasyon,”) sabi ni Duterte.

Marcos isinusulong ang pagtaas ng sahod ng mga guro

Samantala, inatasan ni Presidente Marcos Jr. noong Lunes (Agosto14) ang Department of Education (DepEd) na humanap ng paraan para madagdagan ang mga suweldo ng mga guro.

Ang direktiba ng pangulo ay nangunguna na sa pagtaas ng suweldo na ipinag-uutos na ng Salary Standardization Law.

Kinumpirma ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang direktiba sa isang panayam kasunod ng mga aktibidad ng “Brigada Eskwela” ng DepEd sa Victorino Mapa High School sa Barangay San Miguel, Maynila, kung saan naroon din si Pangulong Marcos.

“We have increases based on the Salary Standardization Law, that is in tranches every year. And when we took over last year, President Marcos ordered a study not just on the yearly increase but the long-term outlook on how to implement increases to the salary of teaching and non-teaching DepEd personnel,” (“May mga increase tayo base sa Salary Standardization Law, na naka-tranches bawat taon. At nang umupo kami noong isang taon, iniutos ni Presidente Marcos na pag-aralan hindi lamang ang bawat taon na dagdag ng suweldo kundi maging ang pang-matagalang pagtataas ng suweldo ng mga tauhan ng DepEd sa pagtuturo at hindi nagtuturo,”) sabi ni Duterte.

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -