27.7 C
Manila
Martes, Enero 7, 2025

Pangkasaysayang Kapisanan ng mga Historyador, may pambansang pulong

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGDARAOS ng isang pambansang kumperensya ang Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas, samahan ng mga historyador, guro, mananaliksik, mag-aaral, mga eksperto at may hilig sa kasaysayan, May temang  SANGKAPILIPINUHAN:  Retrospections on Independence and Nationhood, gaganapin ang kumperensya sa Metropolitan Theater (MET) Manila sa  Agosto 31 hanggang  Setyembre 2, 2023.

Sinabi ng Pangulo ng Kapisanan na si Dr. Maria Luisa Camagay, professor emeritus ng Unibersidad ng Pilipinas, na makasaysayan ang kumperensya dahil ika-125 pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas bilang bansa ngayong taon.

Si dating Chief Justice Reynato Puno ang magbibigay ng pambungad na talumpati. Magbibigay ng plenaryong pananalita sina National Artist for Literature Virgilio Almario, Dr. Ricardo Trota José and Dr. Ma. Luisa Camagay ng University of the Philippines Diliman Department of History.

Magkakaroon din ng mga sesyon hinggil sa iba’t ibang tema. Magsisilbing tour guide sa ikatlong araw si Xiao Chua, public relations officer ng Kapisanan, na may katawagang“Duyan ng Magiting: A Heroes’ Walk to the other parts of Rizal Park Luneta.”

Ilulunsad sa kumperensya ang himno ng Kapisanan na may pamagat na Pangarap ng Kahapon. Nilapatan ito ng musika ni National Artist Ryan Cayabyab at isinulat ng Board of Trustee na si Ian Christopher Alfonso ng National Historical Commission of the Philippines. Aawitin ito sa kumperensya ng Rizal Technological University Grand Alumni Association Inc.

Naitatag nong 1955, binuo ng Kapisanan ang International Council for Cultural and Historical Cooperation – Southeast Asia, kasama ng Malaysian Historical Society at ng Society of Indonesian Historians.

Magkakaroon ng pambansang asembleya sa National Parks Development Committee Museum and Archives at the Luneta Park sa Setyembre 2, 2023 1 pm.

Inaanyayahan ang publiko sa MET sa  Agosto 31, 8 am-12 nn.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -