BILANG pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, narito ang isang artikulo mula sa Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hinggil sa talaan ng mga nanganganib na wika sa bansa. Ayon sa KWF, Atlas ng mga Wika ng Filipinas, Maynila, 2016, may 130 wika ang Pilipinas pero may 40 wika ang nanganganib o endangered.
Noong 2014, sinumulan ng KWF ang balidasyon at dokumentasyon ng mga wika sa bansa. Hinalaw ito sa 2003 Unesco Language Vitality and Endagerment (LVE) ang instrument sa pagtukoy ng mga nanganganib na wika.
May ilang paliwanag sa Talaan ng mga Nanganganib na Wika na makikita sa Talaan ng Grado batay sa Salik Blg 1. Tumutukoy ito sa Unesco LVE Salik 1: Internasyonal na Pag-transmit ng Wika (naita-transmit mula sa isang henerasyon patungo sa susunod).
DIGRI NG PANGANIB | GRADO | POPULASYON NG ISPIKER (NAGSASALITA) |
Ligtas (Safe) | 5 | Ginagamit ang wika sa lahat ng edad, mula sa kabataan hanggang sa matatanda |
Di-ligras (unsafe) | 4 | Ginagamit ang wika ng ilang bata sa lahat ng mga domeyn; ginagamit ito ng kabataan sa ilang limitadong domeyn |
Tiyak na nanganganib (definitely endangered) | 3 | Ginagamit lamang ng henerasyon ng mga magulang hanggang sa matatanda ang wika |
Matinding nanganganib (severely endangered) | 2 | Ginagamit lamang ang henerasyon ng matatanda (lolo at lola) ang wika |
Malubhang nanganganib (critically endangered) | 1 | Ginagamit na lamang ng ilang ispiker; gaya sa henerasyon ng matatanda (lolo at lola sa tuhod) |
Naglaho (extinct) | 0 | Wala nang gumagamit ng wika |
Narito ang talaan ng mga nanganganib na wika
‘