31.3 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 21, 2024

Lab for All sa Caloocan City inilunsad  

- Advertisement -
- Advertisement -

NOONG Agosto 29 inilunsad ang Lab for All Caravan sa Caloocan City sa pangunguna ni First Lady Liza Araneta-Marcos kasama ang mga National Government Agencies (NGAs).

First Lady Liza Araneta-Marcos nanguna sa paglulunsad ng Lab for All sa Caloocan.

Ang Lab for All ay programa ng administrasyong Marcos na naglalayon na mabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng mga gamot at konsultasyon ang mga mamamayang Pilipino. Mahigit kumulang 1,500 na tao ang pumunta sa Caloocan Sports Complex at nakatanggap ng serbisyo mula sa programa.

Ang Food and Drug Administration (FDA) sa pamumuno ni Director General Samuel Zacate, kasama ang mga taga FDA Regulatory Field Office – National Capital Region (RFO-NCR), ay nakiisa sa nasabing programa sa Caloocan City. May mga FDA Food-Drug Regulatory Officers (FDROs) na tumulong sa pag -dispense ng mga gamot; ang iba naman ay nagbigay ng mga impormasyon sa mga dumalo tungkol sa programa ng FDA na “Bigyang-halaga, Bangon MSMEs (BBMSMEs)”.

Dumalo rin sa paglulunsad ng Lab for All ang mga opisyales ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health (DoH), Department of Social Welfare (DSWD), Department of Interior and Local Government (DILG), Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) at lokal na pamahalaan ng Caloocan City sa pangunguna na Mayor Dale Gonzalo Malapitan.

Ang FDA ay patuloy na susuporta sa mga programang pangkalusugan at MSMEs ng administrasyong Marcos alinsunod sa mandato nito na siguraduhing ligtas, epektibo at dekalidad ang mga produktong pangkalusugan upang mapangalagaan at itaguyod ang karapatan sa kalusugan ng mga Pilipino.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -