28.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 14, 2024

DBM, inaprubahan ang paglabas ng P12.259 B pondo para sa informal settlers at mga biktima ng kalamidad

- Advertisement -
- Advertisement -

INAPRUBAHAN na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalagang P12.259 bilyon bilang housing assistance sa mga biktima ng kalamidad at para sa resettlement ng informal settlers sa Western Visayas.

Ayon kay Pangandaman, tinatayang P12.059 bilyon ang pondo para sa housing assistance ng calamity victims (HAPCV) habang P200 milyon sa pagtatayo ng apat na yunit ng limang palapag na low-rise residential buildings sa Region VI (Western Visayas) para sa resettlement ng informal settler families (ISFs).

“Housing remains a priority for President Ferdinand R. Marcos, Jr. as he strongly believes in the necessity of providing decent homes for Filipinos, particularly those adversely affected by calamities,” pahayag ni Secretary Pangandaman.

Ang kahilingan para sa mga pagbabayad, na sisingilin sa mga inilabas na allotment ng mga nakaraang taon, ay suportado ng dokumentadong listahan ng Special Allotment Release Orders (SAROs) na nakalahad ang kaukulang halaga, status ng paggamit ng pondo, at finance accountability reports na beripikado ng DBM.

Ang NHA ay tanging ahensya ng pamahalaan na may mandatong tutukan ang mga proyektong pabahay para sa mga pamilyang may mababang kita. Sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD), ang NHA ang nagsisilbing tinatawag na production at financing arm sa usapin ng housing.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -