27.7 C
Manila
Linggo, Marso 3, 2024

LandBank naglagay ng kauna-unahang ATM sa Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN nina General Emilio Aguinaldo Mayor Dennis Glean (ika-2 mula kaliwa), Vice Mayor Michael Manalo (kaliwa), at Land Bank of the Philippines (LandBank) Tagaytay City Branch Head Eliza Castrence (ikatlo mula kanan) ang inagurasyon ng LandBank offsite ATM sa Brgy. Castanos Cerca malapit sa LGU Municipal Hall noong Setyembre 4, 2023. Kasama nila sina Sangguniang Bayan Members Ricardo Binauhan at Municipal Councilor Darwin Quiacos (ika-4 at ika-5 mula kaliwa).

Ang pagbubukas ng pinakaunang ATM sa 5th class municipality na ito, na dating tinatawag na Bailen, ay nagbibigay-daan sa LandBank na maserbisyuhan ang cash requirements ng lahat ng 14 na barangay ng bayan, na kinabibilangan ng Batas Dao, Kabulusan, Kaypaaba, at Poblacion Ang LandBank ay mayroon na ngayong kabuuang 2,961 ATM sa buong bansa.


- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -