30.2 C
Manila
Linggo, Hunyo 16, 2024

Libreng kapon sa mga aso’t pusa, isinagawa sa Muntinlupa

- Advertisement -
- Advertisement -

LABIG-ANIM na fur-babies ang kinapon sa ginanap na free castration sa mga lalaking aso at pusa noong Setyembre 27, sa Muntinlupa Animal Pound, Pacwood, Brgy. Tunasan.

Pinangunahan ito ng Office of the City Veterinarian Muntinlupa City (OCV) bilang pagdiriwang na rin sa World Rabies Day kahapon, Setyembre 28.

Labing-dalawang aso at apat na pusa — pati na rin ang lima pang aso sa Animal Pound for adoption — ang nakapon sa araw na iyon.

“Hindi pa rin nawawala ang rabies sa bansa kaya patuloy pa rin po ang mga proyektong ginagawa natin — hindi lang po tayo kundi ang buong bansa — upang mawala ang rabies virus,” ayon kay City Veterinarian Dr. Pamela Hernandez.

Kasalukuyan ding may pet adoption para sa mga nagnanais mag-alaga ng pets: https://www.facebook.com/100064747774509/posts/721990916635828/?mibextid=cr9u03


“Sa lahat ng mga pet lovers sa Muntinlupa na may mga alagang aso’t pusa, siguraduhin po nating pabakunahan taon-taon ang ating mga alagang aso’t pusa laban sa rabies. Ito po ay magbibigay ng proteksyon sa kanila gayundin po sa atin upang hindi tayo mahawaan ng sakit na rabies virus,” dagdag ni Dr. Hernandez.

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -