28.9 C
Manila
Linggo, Hulyo 21, 2024

Panukalang batas para sa mas madaling pagbabayad ng buwis niratipikahan na — Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang panukalang ‘Ease of Paying Taxes Act.’

Ease of Paying Taxes Act niratipikahan na, ayon kay Senador Win Gatchalian. Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

“Ito ay isang mahalagang hakbang na susuporta sa aming layunin na mapanatili ang paglago ng ekonomiya dahil ang buwis ang pangunahing pinagmumulan ng kita ng pamahalaan para sa mga mahahalagang proyekto at programa. Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon na tayo ng isang batas na tutugon sa komplikadong pagbabayad ng buwis at magpapabilis ng proseso habang hinihikayat natin ang mga taxpayer na tuparin ang kanilang obligasyon,” sabi ni Senador Win Gatchalian, may-akda ng panukala.

Ang ratipikasyon ay kasunod ng bicameral conference committee meeting kung saan ang mga miyembro ng Senado at House of Representatives ay sumang-ayon na gamitin ang bersyon ng Senado bilang syang gagamiting reconciled bill.

Kabilang sa mga mahahalagang probisyon ng panukalang batas ay ang pag-exempt sa mga overseas Filipino worker na maghain ng income tax returns, ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Ways and Means. Ang panukala ay nagtatakda ng mga karagdagang kategorya ng taxpayers katulad ng micro, small, at medium taxpayers. Ang mga parusa na ipapataw sa mga tinaguriang micro at small taxpayers ay mababawasan din.


Sa ilalim ng panukalang batas, pinapayagan ang paghahain ng tax returns  at pagbabayad ng mga buwis sa electronic na paraan o mano-mano sa alinmang awtorisadong bangko, o opisina ng revenue district office sa pamamagitan ng isang revenue collection officer o sinumang otorisadong tax software provider. Maaari ring gamitin ang parehong pamaraan sa registration ng taxpayers nang hindi na kailangang magbayad ng P500 para sa taunang bayad sa pagpaparehistro, sabi ni Gatchalian.

Dagdag ng senador, ang panukala ay nagtatakda ng panahon para sa pagproseso ng tax refunds sa 180 araw mula sa petsa kung kailan naisumite ang kumpletong mga dokumento. Ang panukala ay nagmamandato rin ng recovery ng output VAT na binayaran sa timatawag na uncollected receivables, pagpapatupad ng audit risk assessment sa pagpoproseso ng VAT claims, at mangangailangan lamang ng VAT invoice sa mga taxpayer bilang proof of transaction.

 

 

- Advertisement -

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -