30.2 C
Manila
Linggo, Hunyo 16, 2024

Mga Pinoy na umabot sa 80, 90 taong gulang ay maaaring magtamasa ng cash gift – Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ni Senador Win Gatchalian na ang mga Pilipino na umabot sa edad na 80 at 90 ay malapit nang magkaroon ng pagkakataon na makakuha ng regalong P10,000 at P20,000 ngayong aprubado na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2028. Layon ng panukalang batas na palawakin ang saklaw ng Centenarians Act of 2016 na kasalukuyang nagbibigay ng P100,000 sa mga Pilipinong umabot sa edad na 100.

Kinamayan ni Senador Win Gatchalian ang isang senior citizen sa isang pagtitipon. Masaya ibinalita ng Senador na ang mga Pilipino na umabot sa edad na 80 at 90 ay malapit nang magkaroon ng pagkakataon na makakuha ng regalong P10,000 at P20,000 ngayong aprubado na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2028. Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, tanging ang mga umabot sa edad na 100 ang nakikinabang sa P100,000 cash gift. Ang naturang panukala ay nagsasaad na ang mga benepisyaryo ay karapat-dapat na tumanggap ng kanilang mga regalong cash sa loob ng isang taon mula sa araw na umabot sila ng 80, 90, at 100 taong gulang.

Pambihira ang umaabot ng 80, 90, o kahit 100 taong gulang, kung kaya’t hindi masyadong maraming Pilipino ang makakatanggap ng mga benepisyong nakasaad sa “Act Recognizing The Octogenarians, Nonagenarians, And Centenarians”, ani Gatchalian, co-author ng panukalang batas.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may 7.5 milyong senior citizens sa bansa noong 2015 at humigit-kumulang 10 porsiyento o humigit-kumulang 790,000 ang tinatayang nasa edad 80 hanggang 90 taong gulang.


 

”Sa wakas, pati ang mga lolo’t lola natin na umabot ng 80 o hanggang 90 years old ay mabibiyayaan na rin ng regalo na maaaring makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, at habang naghihintay sila ng mas malaking regalo pagdating nila ng 100 years old,” ani Gatchalian.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -