28.6 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

Kampanya kontra rabies, pinalakas sa Pangasinan

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINUSULONG ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PVO) ang responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop at pataasin ang kamalayan sa pangangalaga ng hayop tungo sa isang malusog na komunidad para sa Pangasinan na walang rabies.

Ang PVO ang nanguna sa pagsasagawa ng mga libreng serbisyong medikal sa may 302 alagang hayop (aso at pusa) alinsunod sa pagdiriwang ng ika-17 World Rabies Day noong Setyembre 29 sa Veterinary Clinic, dito.

Sinabi ni Dr. Arcely Robeniol, OIC ng Provincial Veterinary Office, ang PVO ay nakapagsagawa na ng kabuuang 50 medical mission sa buong lalawigan ng Pangasinan. Nakapagtala ang PVO ng 129,628 aso na nabakunahan, 1,499 lalaki na hayop na kinapon, 847 babaeng spayed at 6,475 responsableng may-ari ng alagang hayop ang nakinabang.

“Ang ating provincial government sa pamumuno ng ating butihing Governor Ramon Guico 3rd ay nandito para maibigay ang libre at sapat na serbisyo para sa ating alagang hayop at maging sa mga farm animals,” dagdag pa ni Robeniol.

Hinikayat naman ni Dr. Raymond Vincent Guevarra, executive assistant 3rd na kumakatawan sa gobernadora, ang mga may-ari ng alagang hayop na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop sa edad na tatlo hanggang apat na buwan at bawat taon pagkatapos nito.


Kabilang sa mga serbisyong medikal na inaalok ay ang Information Education Campaign (IEC); Castration/Spaying /Neutering; pagbabakuna laban sa rabies; deworming; pangangasiwa sa pagbibigay at konsultasyon para sa tamang bitamina.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -