27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

300 benepisyaryo nagtapos sa drug treatment and training program

- Advertisement -
- Advertisement -

NASA 300 benepisyaryo ng Community-Assisted Rehabilitation and Research Outpatient Treatment and Training System – Salubong (Carrotts-Salubong) ng Caloocan Anti-Drug Abuse Office (Cadao) ang lumahok sa seremonya ng pagtatapos ng nasabing programa noong Biyernes, Setyembre 29 sa Buena Park, Lungsod ng Caloocan – Timog.

Ang seremonya ay hudyat ng isang bagong kabanata sa buhay ng ika-12 batch ng mga Carrots-Salubong completers, mula sa dating natukoy na low to moderate risk drug users hanggang sa itinuturing nang malusog at walang bahid ng droga.

Nagpahayag ng pasasalamat si Cadao Officer-in-Charge Wilmilson Amoyo kay City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at sa mga katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagtiyak ng tagumpay ng programa.

Binigyang-diin naman ng alkalde na ang layunin ng kanyang administrasyon na magsagawa ng mga holistic measures sa pagharap sa problema sa droga ay patuloy niyang ipatutupad. Tiniyak din ni Malapitan na ang ibinibigay na tulong at serbisyo ng pamahalaang lungsod ay hindi titigil sa pagtatapos ng rehabilitation program.


“We’re making sure that the ways to solve the long-standing drug problem is not stop at just catching those who trapped or pushed. Patunay dito na habang kinikilala tayo ng pambansang pulisya sa dami ng mga drug personalities na ating naaresto, ang mga hakbangin ng Cadao ay pinarangalan din pagdating sa community-based drug rehabilitation,” dagdag ng alkalde.

“Asahan ninyo ang tulong na ibibigay ng city government sa ating mga completers kahit tapos na ang programa. Gagawin natin ang lahat para maprotektahan pa rin ang kanilang karapatan at mabigyan sila ng pagkakataon para hindi na sila maligaw muli,” aniya pa.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -