27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

Oriental Mindoro, pangalawa sa may pinakamaraming turista sa Mimaropa

- Advertisement -
- Advertisement -

PUMANGALAWA ang lalawigan ng Oriental Mindoro sa may pinakamaraming turista na dumating sa rehiyon mula Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.

Ang Oriental Mindoro Heritage and Cultural Center sa bayan ng Mansalay ay isa sa mga pinakabagong atraksyon sa lalawigan. (Larawan mula kay Jj Sugay)

Ito ay ayon sa datos na inilabas ng Department of Tourism (DoT) Mimaropa sa pamamagitan ng ‘Tourlista’, kung saan naitala ang pagdating ng 314,604 na turista sa loob ng siyam na buwan.

Ayon sa DoT, nangangahulugan na patuloy na lumalakas ang turismo sa lalawigan na sa kalaunan ay inaasahan na magiging isang tanyag na atraksyon sa bansa.

Ayon pa sa listahan, nakapagtala ang lalawigan ng 300,543 na turista para sa buwan ng Agosto kung saan 86 porsiyento sa mga ito ay mga domestic travelers; at 14 porsiyento naman para sa international travelers.

Nananatili naman ang South Korea bilang may pinakamalaking bilang ng mga turista na mula sa ibang bansa, sinundan naman ito ng Tsina, Estados Unidos, Japan at Germany.

Kung ikukumpara sa tourists arrival data noong 2022, nadagdagan ng 23.12% ang mga turista sa lalawigan ng parehong buwan; mula 19,130 noong Agosto 2022, tumaas ito sa 23,552 ngayong taong kasalukuyan.

Nakapagtala naman ng kabuuang halaga na P2.7B na kita mula sa sektor ng turismo ang dumaloy sa lalawigan simula Enero hanggang Agosto.

Umaasa naman ang Pamahalaang Panlalawigan na magtutuluy-tuloy ang paglakas ng sektor ng turismo na tiyak na makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng lalawigan sa pangkabuuan. Sa katunayan, ay isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ang dalawa sa bago nitong atraksyon sa lalawigan — ito  ay ang Oriental Mindoro Heritage and Cultural Center sa bayan ng Mansalay na naglalaman ng mga produktong gawa ng mga katutubo mula sa iba’t-ibang panig ng lalawigan, at ang Oriental Mindoro Heritage Museum na makikita sa lungsod ng Calapan na naglalaman naman ng kasaysayan at kultura ng lalawigan. Sa pamamagitan ng dalawang atraksyon na ito, inaasahan na makadagdag tulong upang ma-engganyo ang mga turista na bisitahin ang probinsya.

Samantala, nakamit naman ng Palawan ang may pinakamalaking bilang ng mga turista sa rehiyon, umabot ito sa 1,068,867, at pumangatlo naman ang Occidental Mindoro na may bilang na 98,715 tourist arrivals.  (JJGS/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -