27.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 24, 2024

Anong meron si Libre na wala si Guadiz?

ULTIMONG BIGWAS

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGANDANG balita itong natisod ko kahapon. Ipinadala sa akin sa Viber ng kasama ko sa nakaraang dekada ng rebolusyonaryong kilusan na si Ka Eric Bukoy ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa kaso ng korapsyon ni Chairman Teofilo Guadiz 3rd ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon sa pahayag, iniuutos ng pangulo ang suspensyon ni Guadiz dahil sa diumano’y mga katiwaliang nagaganap sa ahensiya sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Wika ng Pangulo, “I cannot tolerate any misconduct in my administration, and I have instructed immediate investigation into this matter. I strongly condemn dishonesty and duplicity in public service (Hindi ko maaaring kunsintihin ang anumang masamang gawi sa aking administrasyon at iniutos ko ang agarang imbestigasyon sa kasong ito. Mariin kong kinokondena ang kawalang-katapatan at mapanlinlang na serbisyo publiko).”

Patutsada naman ng aking impormante, “Sana ganyan din siya ka decisive sa CHEd (Commission on Higher Education.)”

Pang-uuyam ang winika ni Bucoy, may himig din ng malalim na hinanakit. Sa mahabang panahon, pinanday siya sa pakikibaka bilang matapat na ayudante ng namayapang pinuno ng New People:s Army na si Rolando Kintanar, at sa ganung katayuan ay nahasa sa kalinisan ng prinsipyo at pagiging matuwid at makatotohanan lamang. Bilang bahagi ngayon ng staff ng Senate Committee on Technical and Vocational Education na pinamumunuan ni Senador Francis Joseph “Chiz” Escudero, pursigidong sangkot si Bucoy sa malawak na panawagan  ng mga akusador na imbistigahan ang di umano’y mga katiwalian na pinaggagawa ng isang komisyonado ng CHEd, si Jo Mark Libre.

Ibinigay ni Bucoy sa kolum na ito ang kabuoang pagtanaw sa kung papaanong umaandar sa tungkulin si Libre. Bilang komisyonado ng CHEd, nakatuka sa kanya na   pangasiwaan ang 24 na  state universities and colleges sa Visayas at Mindanao, halimbawa ang Cebu State University (CSU) at ang Bohol Island State University (BISU).


Kinumpirma ni Bucoy ang mga alegasyon na ipinadala na ni CHEd Chairman Prospero Devera 3rd sa Office of the President sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na ang mga sumusunod:

“Conduct of BOR (Board of Regents) meetings in expensive and impractical hotels and venues;

“Designating resource speakers and observers to sit in every BoR meeting whose honoraria and travel expenses are charged against CTU funds;

“Micromanagement of CTU affairs, including but not limited to, hiring and approval of international travel;

“Conduct of ‘supervisory visits’ at CTU’s expense;

“Lack of due process in the removal of CTU officials;

“Conduct of BOR meetings, including pre- and post-meetings, in expensive venues, which include tours to tourist sites – all charged against CTU funds; and

“Unreasonable requests for barong for events which are paid for by CTU.”

Ayon kay Bucoy, ni isa sa mga nakasaad na gawain sa itaas ay hindi tungkulin ni Libre, subalit parang diktador na ipinagkakaloob niya sa sarili ang mga gawaing ito.

Ipinagkaloob ni Bucoy sa kolum na ito ang patunay ng Commission on Audit hinggil sa mga mamahaling hotel at venue na ginamit ni Libre sa mga pulong na kanyang ginawa.

Sa isa pang banda, isa pang akusador, nagngangalang Jonathan Bayogan, dating pangulo ng Davao del Norte State College, ang lumiham kay CHEd Chairman Prospero De Vera 3rd na nagpaparatang ng mga kahalintulad na mga katiwalian. At bilang patunay sa kanyang mga paratang, inilakip ng akusador sa kanyang liham ang 13-pahinang dokumento na nakasulat sa Letterhead ng Civil Service Commission (CSC), may pamagat na “DECISION” at may petsang ‘July 19, 2019.  May tatak na “Certified true copy of original,” natukoy ko na ito sa kolum kong ito noong Lunes, subalit minarapat kong ipagdiinan uli ngayon dahil kung ang simpleng alegasyon ng katiwalian sa LTFRB ay nagbunsod na sa pangulo na patawan ng suspensyon si Chairman Guadiz, bakit itong si Commissioner Libre ay nananatili sa tungkulin na para bang wala siyang ginawang kasalanan – gayong malinaw ang isinasaad sa desisyon ng CSC noon pang 2019

“WHEREFORE, foregoing premises considered, Dr. Jo Mark M. Libre is hereby found guilty of grave misconduct, serious dishonesty, falsification of official document, and conduct prejudicial to the best interest of service, and meted the penalty of DISMISSAL from service. Accordingly, all the accessory penalties, namely cancellation of eligibility, perpetual disqualification from holding public office, bar from taking any Civil Service Examination, forfeiture of retirement benefits except terminal leave benefits and personal contributions to GSIS, if any, are likewise imposed upon him.

“Davao City, Philippines.

“PIRMADO

ADAMS D. TORRES

CESO IV

Director IV”

Sabi ni Bucoy, “o baka may sulsultant kung sa LTFRB hehehe.”

Ewan kung ano ang ibig niyang sabihin.

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -