28.9 C
Manila
Linggo, Hulyo 21, 2024

Gatchalian hinimok ang aktibong partisipasyon ng LGUs sa 911 emergency services

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ni Senador Win Gatchalian na nais niyang maging aktibo sa paglahok ang mga local government unit (LGU) sa pagpapatupad ng 911 emergency service ng Philippine National Police (PNP).

Nais ni Senador Win Gatchalian na maging aktibo sa paglahok ang mga local government unit (LGU) sa pagpapatupad ng 911 emergency service ng Philippine National Police (PNP). Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

“Ito ay isang pangarap para sa lahat ng local government units sa bansa gayundin para sa ating mga nasasakupan na magkaroon ng isang emergency number na madaling tandaan at tawagan na magbibigay-daan sa direktang access sa pulisya, medic, bumbero, at maging ang ibang serbisyo ng lokal na pamahalaan,” ani Gatchalian, sa nagdaang pagdinig ng Senado sa panukalang 2024 budget ng Department of Interior and Local Government (DILG) at mga kalakip na ahensya nito.

 

“Ang pagtanggap ng tawag ay isang bagay ngunit ang pagtugon sa tawag na iyon ang pinakamahalaga. Gaano kabilis tayo makakasagot mula sa oras na makatanggap tayo ng tawag? Iyon ang pinakamahalaga at makatutugon lamang tayo kaagad kung ang mga lokal na pamahalaan ay aktibo sa 911,” diin niya.

 

Partikular na hiniling ni Gatchalian sa DILG na magbigay ng isang road map na magdadala sa bansa sa pagkakaroon ng komprehensibong 911 emergency services coverage. “Bigyan nyo kami ng roadmap. Ang mahalaga dito ay hindi lamang ang pagtanggap ng mga tawag kundi kung paano natin maipadadala ang mensahe mula sa mga maysakit na nasa kalye hanggang sa ambulansya sa ospital. Ang oras ng pagtugon ay kailangang paikliin para mabigyan ng agarang serbisyo ang mga kababayan nating nangangailangan ng tulong,” diin niya.

 

Sinabi rin ni Gatchalian na pilitin nating magkaroon ng 911 emergency services tulad ng 911 services sa Amerika. “Iyan ay isang adhikain para sa ating lahat, lalo na sa larangan ng kapayapaan at kaayusan,” sabi ng senador.

 

Ayon kay DILG Undersecretary Lord Villanueva, ang 911 services sa bansa ay nakapagtatag lamang ng 22 local call centers na itinayo at pinondohan ng iba’t ibang LGUs.

 

Ibinunyag ni Villanueva na ang 911 emergency services ng bansa ay tumatanggap ng average na 60,000 tawag araw-araw. Hindi kayang palakihin ng DILG ang 911 na serbisyong pang-emergency nito dahil kulang sa pondo. Halimbawa, ang DILG ay naglaan lamang ng P26 milyong pondo para sa 911 emergency services noong nakaraang taon. Para sa taong ito, parehong pondo rin ang inilaan ng ahensya para sa programa, dagdag ni Villanueva. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -