PORMAL nang binuksan ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) ang bagong provincial training center nito sa bayan ng San Antonio, Quezon kamakailan.
Ayon kay Engr. Adrastus Gesmundo, JD, administrator ng Tesda-Provincial Training Center, inaasahang malaking tulong ito para sa mga kabataan sa Quezon upang makapag-aral at lalo pang mapaghusay ang kasanayan nito sa iba’t ibang vocational courses.
Dagdag pa ni Gesmundo, ang bagong training center na nagkakahalaga ng P15 milyon ay pinondohan ng pamahalaan sa inisyatibo ni Cong. David Suarez.
Aniya, may dalawang palapag ang Tesda Provincial Training Center kung saan dito isinasagawa ang mga training programs ng Tesda.
Kabilang sa mga programa o training courses na alok ng bagong training center ang Driving National Certificate 2 at Masonsy National Certificate 2.
Sa ilalim naman ng community-based training, kabilang sa mga kursong pagpipilian ang mga sumusunod: Basic Vehicle Audio System Installation, Basic AC Motor Control, Basic Welding, Bread Making, Cake Making, Pastry Making, Coconut Macaroons Making, Dougnut Making/ Production, Cookies Making, Chocolate Cake Making, sardines making, building/ wiring installation, Table Skirting, Basic Table Setting and Napkin Folding, Flower Arrangement, Basic Swine Production, Produce Fertilizer (Composting), Native Swine Production, Liquid Hand Soap/ Liquid Detergent/ Dishwashing/ Liquid Bench making, Meat Processing, at Coffee Manual Brewing.
“Mayroon din po kaming new courses na ibibigay at bubuksan kagaya ng mga sumusunod: Training Methodology Level-I, Organic Agriculture Production, Agro-Entrepreneurship- NC-2, Agricultural Crops Production -NC-2 at Bread and Pastry Production-NCI 2,” sabi pa ni Gesmundo.
Samantala, sinabi rin ni PTC Administrator Gesmundo na mayroon din silang kursong entrepreneurship para sa mga kabataang nais pasukin ang pagnenegosyo. (Ruel Orinday-PIA Quezon)