30.3 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

DSWD, nagsagawa ng AICS payout sa mga Calapeño

- Advertisement -
- Advertisement -

AABOT sa 140 Calapeño ang pinagkalooban ng P3,000 bawat isa ng Department of Social Welfare and Develoment (DSWD) mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na ang pondo ay nanggaling kay Sen. Manuel ‘Lito’ Lapid sa isinagawang payout noong Oktubre 10 na ginanap sa City Mall sa lungsod na ito.

Isinagawa ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Calapan City ngayong Martes, Oktubre 10. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA Oriental Mindoro)

Ang mga tumanggap ay nagmula sa mga sektor ng senior citizens, may kapansanan, mga nawalan ng trabaho, single parents, at iba pang indibidwal o pamilyang nakaranas ng krisis o walang kakayahan sa pananalapi o financially capacitated ayon sa RA 11463, bilang tulong pinansiyal na ipinadaan ng nasabing ahensiya sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Calapan.

Ang AICS ay isang programa ng DSWD na nagbibigay ng tulong pang-edukasyon, medikal, pamasahe, pampalibing, at maging probisyon ng pagkain at iba pang kagamitan para sa mga Pilipinong humaharap sa iba’t ibang krisis, sakuna, o matinding kahirapan. (DPCN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -