25.2 C
Manila
Sabado, Marso 2, 2024

Urban Renewal and Re-Greening Program, pinasinayaan sa Pasig

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGANDANG balita! Pinasinayaan kamakailan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig landscaped treatment at Kalawaan Ferry Station, Brgy. Kalawaan.

Pinangunahan nina MMDA Acting Chair Atty. Don Artes, Deputy Chair Usec. Frisco San Juan Jr., kasama sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Robert “Dodot” Jaworski Jr., Lone District Representative Congressman Roman Romulo, at Councilor Quin Cruz ang inagurasyon.

Nagpasalamat si Pasig City Mayor Sotto sa redevelopment na ginawa ng MMDA sa Kalawaan Ferry Station at sa paglaan ng pondo para sa pocket park.

Gayundin, nagpahayag ng suporta sina Vice Mayor Jaworski Jr., Congressman Romulo, at Councilor Cruz sa re-greening projects ng MMDA.

Ang naturang programa ay bahagi ng Urban Renewal and Re-Greening Program ng MMDA. (MMDA/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -