27.7 C
Manila
Linggo, Marso 3, 2024

Gatchalian hinimok ang mas mahusay na cybersecurity services sa bansa sa gitna ng pag-hack sa Philhealth

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa lahat ng ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na palakasin ang kanilang proteksyon laban sa mga banta sa cybersecurity kasunod ng hacking na nangyari sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth).

Pinaalalahanan ni Senador Win Gatchalian ang lahat ng ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na palakasin ang kanilang proteksyon laban sa mga banta sa cybersecurity kasunod ng hacking na nangyari sa Philhealth. Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 2066, o ang Critical Information Infrastructure Protection Act. Ang panukalang batas ay nagmamandato sa lahat ng critical information institutions (CII) na magpatibay at magpatupad ng sapat na mga hakbang upang protektahan ang kanilang mga sistema at imprastraktura ng information and communications technology (ICT) at tumugon sa anumang insidente ng information security.

Ang panukala ay nagmamandato rin sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na tukuyin at i-update ang mga pamantayan sa seguridad ng impormasyon kung saan ang mga naturang pamantayan ay kailangang sundin ng mga CII. Inaatasan din nito ang National Computer Emergency Response Team (NCERT) na kumilos bilang isang central authority para sa mga computer emergency response team sa bansa at pangasiwaan ang “centralized information security incident reporting mechanism” na saklaw ang mga industriya tulad ng banking and finance, broadcast media, emergency services and disaster response, enerhiya, kalusugan, telekomunikasyon, at transportasyon, bukod sa iba pa.

Ayon kay Gatchalian, mas maraming Pilipino at negosyo ang umaasa sa digital technologies para maisagawa ang kanilang pang-araw-araw na aktibidad, lalo na’t nagkaroon na tayo ng karanasan ng pandemya. Ang mga Pilipino ay kumukunsumo nang higit pa sa 4.3 na digital services bago mag- pandemya. Ang e-commerce ay patuloy na lumalawak at ang benta nito ay inaasahang magkakahalaga ng $10.3 bilyon pagdating ng 2025, sabi ng senador, batay sa pagtatantya na ginawa ng GlobalData.

“Panahon na para gawin natin ang mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang ating kritikal na imprastraktura ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtiyak at pagsunod sa international standards ng cybersecurity,” sabi ni Gatchalian.

“Sa pagtaas ng paggamit ng mga digital na teknolohiya sa ating pang-araw-araw na buhay, ang mga kawatan mula sa mga maliliit hanggang malalaking organisadong grupo ay naghahanap ng mga kahinaan sa mga sistema at network ng ICT upang magnakaw ng impormasyon, makagambala sa mahahalagang serbisyo, at kumita mula sa mga pag-atake,” sabi ni Gatchalian, na inihalimbawa ang cyberattack na nangyari sa database ng Philhealth kung saan ang mga cybercriminal ay humingi ng $300,000 kapalit ng pagbibigay ng mga decryption key at ang pagtanggal at hindi pag-publish ng data na iligal na nakuha.

 

 

 

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -