26 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Higit 600K na PhilSys IDs, naipamahagi na sa Oriental Mindoro

- Advertisement -
- Advertisement -

UMABOT na sa 618,135 na Philippine Identification System (PhilSys) IDs ang naipamahagi sa lalawigan hanggang August 31, ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Mula sa bilang na ito, pinakamaraming natanggap ang mga mamamayan sa lungsod ng Calapan kung saan umabot na sa 123,439 na indibidwal ang nakatanggap ng PhilIDs. Pumangalawa naman ang bayan ng Naujan na may bilang na 76,207 na sinundan ng Pinamalayan na mayroong 66,976 PhilID recepients. Pinakakaunti naman ang bayan ng San Teodoro pagdating sa natanggap na IDs, kung saan umabot lamang ito sa bilang na 13,090.

Sa kabuuan naman ay mayroong 686,292 na Mindoreño ang nag-rehistro upang tumanggap ng PhilIDs, simula nang ito ay i-implementa noong taong 2021 sa pamamagitan ng Philippine Identification System Act o Republic Act No. 11055.

Ang PhilSys ay bahagi ng programa ng pamahalaan na pag-isahin ang pagkakakilanlan o identification ng mga mamamayan at residente sa bansa. Layunin din ng PhilSys na tanggalin ang napakaraming proseso upang bigyang bisa ang pagkakakilanlan ng isang tao. Inaasahan din na sa pamamagitan nito ay mas mapapabilis ang transisyon o paglipat ng bansa sa digital economy na hindi na kinakailangan ng pisikal na pera sa pagbili ng mga produkto o serbisyo.

Inaasahan namin na tuluy-tuloy pa rin ang isasagawang pamamahagi ng mga PhilIDs sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan sa mga susunod pang linggo sa tulong ng Philippine Post Office. (JJGS/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -