29.5 C
Manila
Linggo, Nobyembre 10, 2024

911 Emergency Hotline, ilulunsad ng NV ngayong buwan

- Advertisement -
- Advertisement -

ILULUNSAD na sa susunod na linggo ang 911 Emergency Hotline ng Nueva Vizcaya Provincial Government upang madali itong matawagan ng mga mamamayang nangangailangan ng tulong.

Ang 911 Emergency Hotline ng Nueva Vizcaya Provincial Government. Larawan mula sa PDRRMO NV

Ayon kay King Webster Balaw-ing, acting Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer (PDRRMO), layunin ng 911 Emergency Hotline na makapagbigay ng agarang tulong sa mga mamamayan hinggil sa transportasyon at tulong medical dahil sa road accidents, police assistance, kaguluhan sa mga tahanan at fire incidents.

Dagdag ni Balaw-ing na kasama bilang responders sa 911 Emergency Hotline na pangangasiwaan ng PDRRM Office ang mga kaalyadong ahensiya ng pamahalaan at pribadong grupo gaya ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Independent Kabalikat Civicom, Inc. at iba pa.

Ayon pa kay Balaw-ing inaantay na lamang nila ang accreditation mula sa Department of the Interior and Local Government upang mailunsad na ang 911 Emergency Hotline sa lalong madaling panahaon.

Dahil dito, umaasa si Governor Jose Gambito na mas magiging madali ang emergency response sa mga nangangailangang mamamayan dahil sa nasabing 911 Emergency Hotline.

Nanawagan din ito sa mga mamamayan na iwasan itong paglaruan upang mas magamit ito ng mga taong nangangailangan ng tulong na hatid ng 911 Emergency Hotline. (BME/PIA NVizcaya)

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -