27.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 24, 2024

Mega job fair sa Pasig, gaganapin sa Oct 16

- Advertisement -
- Advertisement -

 MAGANDANG balita! Para sa mga hindi nakapunta sa 4th Mega Job Fair, magkakaroong muli ng Job Fair ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig na gaganapin sa susunod na linggo.

Ang job fair ay gaganapin sa Main Atrium ng SM City East Ortigas sa Lunes, October 16, 2023, mula 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Sa kasalukuyan, nasa halos 40 local at overseas companies na ang nagpahayag ng kanilang pagsali sa job fair.

Sa mga interesado, maghanda ng mga kopya ng resumé. Ihanda rin ang sarili dahil maaaring ma-interview na rin sa mismong araw ng job fair at ma-hire on the spot.

Bukas ang job fair kahit para sa mga nakatungtong ng high school o senior high, skilled workers, bagong graduate na wala pang experience, o mga matagal nang naka-graduate at marami ng work experience. Wala ring age limit.

Ang job fair na ito ay naging posible sa pangunguna ng Pasig City Public Employment Service Office at sa pakikipag-ugnayan sa SM City East Ortigas. Pasig City/PIA-NCR

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -