26.8 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Pagpapabilis ng transaksyon sa Looc LGU, tampok sa paglulunsad ng iBPLS

- Advertisement -
- Advertisement -

SA tulong ng Department of Information and Communication Technology (DICT) Mimaropa, matutupad ang hangarin ng Lokal na Pamahalaan ng Looc, Occidental Mindoro na sumabay sa makabagong panahon sa pamamagitan ng implementasyon ng makabagong pamamaraan upang mas mapabilis ang transaksyon sa kanilang tanggapan.

Magkakatuwang na inilunsad ng mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Looc kasama ang DICT sa paglulunsad ng Integrated Business Permits and Licensing System o iBPLS. Larawan mula sa DICT Mimaropa

Bagama’t ang bayan ng Looc ay malayo sa sentro ng komersyo, nakipagtuwang pa rin ito sa DICT upang ilunsad ang Integrated Business Permits and Licensing System (iBPLS).

Sa pamamagitan ng sistema, bibilis ang mga transaksyon katulad na lamang ng business permitting and licensing na magiging kapaki-pakinabang sa mga residente at negosyante sa naturang lugar. Ayon pa sa mga kawani ng DICT, ang pakikipagtuwang ng lokal na pamahalaan ay patunay lamang sa hangarin na higit na mapagyabong ang ekonomiya hindi lamang sa kanilang bayan, kung hindi maging sa buong probinsya ng Occidental Mindoro.

Dagdag pa ng mga ito, ang implementasyon ay hindi lamang naglalayon na mapabilis ang mga transaksyon, kung hindi makapang hikayat rin ng mga mamumuhunan sa kanilang lugar.

Dinaluhan naman ang gawain ng ilan sa mga lokal na opisyal sa lalawigan kasama ang mga ahensiyang nagtuwang upang maisakatuparan ang gawain. Ito ay pinangunahan nina Mayor Marlon Dela Torre, Vice Mayor Hon. Nobelo, Municipal Councilors, Endorsing Offices, Municipal Treasury and Business Permit and Licensing Office sa pamumuno ni Jocelyn Villaflores.

Sumaksi rin sa gawain sina DICT Mimaropa iBPLS Focal, Edd Fernan D. Gonzales bilang kinatawan ni Regional Director Cheryl C. Ortega at Provincial Officer, Engr. Fernando A. Gatdula.

Nagpahayag naman ng mensahe ng pasasalamat at suporta sa pamamagitan ng video teleconference sina Department of Trade and Industry (DTI) Mimaropa Regional Director Rodolfo Mariposque at Department of the Interior and Local Government (DILG) Occidental Mindoro Provincial Director Juanito Olave Jr. (JJGS/PIA Mimaropa)

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -