28.8 C
Manila
Sabado, Marso 2, 2024

Higit 200 persons deprived of liberty sa lungsod ng Dagupan, tiniyak na makakaboto sa eleksyon

- Advertisement -
- Advertisement -

NASA 295 persons deprived of liberty o PDLs sa lungsod ng Dagupan ang inaasahang makakaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Oktubre 30, 2023.

Atty. Michael Franks Sarmiento, city election officer ng Dagupan

Pagtitiyak ni Atty. Michael Franks Sarmiento, city election officer ng Dagupan, magkakaroon ang Comelec ng special electoral boards na itatalaga sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang masiguro na makaboboto ang mga PDLs kahit nasa piitan.

“Itong mga electoral boards na ito ay sila ang mag-aadminister ng election para sa PDL. Kung saan mayroon silang support staff na mag-a-assist sa ating mga special electoral boards na kukuha ng balota kung saan naka-rehistro ang PDL voter,” saad ni Sarmiento.

Ani Sarmiento, sa Oktubre 19 ay magkakaroon ng hiwalay na briefing para sa mga magsisilbing electoral board sa BJMP.

Siniguro rin ni Sarmiento na walang magiging diskwalipikasyon para sa botanteng mayroong kinakaharap na criminal case at kanilang magagamit ang kanilang karapatan sa pagboto sa araw ng eleksyon.

Matatandaan na noong mga nakaraang eleksyon ay may inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema, ngunit simula taong 2022 ay napawalang bisa na ang nasabing utos kaya pinapayagan na muling makaboto sa anumang eleksyon ang mga PDL voters.

Binigyang-diin din ni Sarmiento na ang kahalagahan ng pagboto ay parte ng democratic exercises na iginawad ng Saligang Batas kung saan ang isang indibidwal ay may karapatan na makapili ng mga magiging lider o opisyal sa kanilang barangay, bayan, at bansa. (JCR/AMB/EMSA/PIA Pangasinan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -