PINAGKALOOBAN ng bagong fire truck ang Lungsod ng Pasay para sa Volunteer’s Fire Brigade of Pasay mula sa SM Prime Holdings kamakailan.
Malugod na tinanggap ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang bagong fire truck at nagpaabot ng pasasalamat sa SM.
“This is a clear illustration of the wonders that efficient relationships create. We always say this in Pasay – we advocate for collaborating, communicating, and coordinating. At maswerte po tayo na we nurture a great partnership with private companies such as SM. Mula noon hanggang ngayon, and surely up to the countless years to come, katuwang natin ang SM sa pagbibigay ng tapat at higit sa sapat na paglilingkod. Ultimately, SM shares our dream of a better lives for our people at syempre, ang safety and well-being ng bawat isa,” (“Ito ay isang malinaw na paglalarawan ng mga kagandahan na nilikha ng mahusay na mga relasyon. Palagi naming sinasabi ito sa Pasay – itinataguyod namin ang pakikipagtulungan, pakikipag-ugnayan, at pakikipag-ugnayan. At maswerte po tayo na inalagaan naming ang pakikipagtuwang sa mga pribadong kumpanya kagaya SM. Mula noon hanggang ngayon, at sigurado sa mga susunod pang panahon, katuwang natin ang SM sa pagbibigay ng tapat at higit sa sapat na paglilingkod. Sa huli, ibinabahagi ng SM ang ating pangarap na mas magandang buhay para sa ating mga tao at siyempre, ang kaligtasan at kagalingan ng bawat isa,” ani Mayor Emi.
Gayundin, lumagda sa isng Memorandum of Agreement (MoA) ang pamahalaang lungsod at ang SM Supermalls sa pangunguna ni Steven Tan, kasama sina Chief Supt. Nahum Tarroza ng Bureau of Fire Protection, Ben Chua Ching, Jr. at G. Dionisio See Chu Siu Chun ng Volunteers’ Fire Brigade of Pasay City, Inc. para sa patuloy na pagtutulungan at mabuting pag-uugnayan. (Pasay City/PIA-NCR)