32.3 C
Manila
Sabado, Hunyo 15, 2024

Kampanya kontra rabies, prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte

- Advertisement -
- Advertisement -

INILAHAD ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte, sa pamamagitan ng Provincial Veterinary (PVet) Office nito, na prayoridad nilang puksain ang mga kaso ng rabies sa Ilocos Norte.

Ayon kay Dr. Loida Valenzuela, provincial veterinarian, kailangan ng pagtutulungan kasama ang mga lokal na gobyerno sa Ilocos Norte upang magkaroon ng sapat na bakuna kontra rabies.

Dagdag pa niya, target na mabakunahan ang 106,575 o 70 porsIyento ng kabuaang populasyon ng aso o 152,250 sa buong probinsya.

Sa taong ito, inilahad ni Valenzuela na malabong mabakunahan ang nasabing target na bilang ng mga aso dahil sa limitado ang bakuna.

Sa katunayan, may 151 kaso ng rabies ang naitala sa probinsya ngayong taon, kung saan may 12 na nasawi dahil sa nakakamatay na sakit na ito.

Kaya naman nakikipag-ugnayan na ang PVet sa mga lokal na gobyerno sa pamamagitan ni ABC Federated President Elmer Faylogna para mapaigting ang kampanya kontra rabies.

“Yung 40 cases ay na-trace mula sa mga stray dogs without identified owners. This is a health concern kaya we are appealing to all our LGUs (local government units) to help us in the implementation of Anti-Rabies Act of 2007 because the target is to have it eliminated by 2030,” saad ni Valenzuela.

Ang sakit na rabies ay isang viral infection na maaaring mailipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o kalmot mula sa isang infected animal kagaya ng aso at pusa.

Kaya, nagpaalala si Valenzuela sa mga cat at dog owner na ugaliing pabakunahan kontra rabies taon-taon ang kanilang mga alaga. (JCR/MJTAB/RMDA PIA Ilocos Norte)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -