28.9 C
Manila
Lunes, Nobyembre 18, 2024

Giyera sa pagitan ng Israel at Palestine ngayon, may kinalaman ba sa nakaraan

- Advertisement -
- Advertisement -

Ikalawang bahagi

BAGO natin balikan ang kasaysayan sa panahon ni Haring Solomon kung saan tayo huminto sa unang bahagi ng artikulong ito (https://www.pinoyperyodiko.com/2023/10/16/balita/sumiklab-na-giyera-sa-pagitan-ng-israel-at-palestine-saan-nagmula/2829/) ay pahapyaw nating tunghayan ang pinakahuling ulat sa ika-sampung araw ng giyera ng Israel at grupong Hamas.

Isang missile ang pumutok na Gaza City ng Israeli strike noong Linggo, Oktubre 2023 bilang kagyat na tugon sa ginawang sorpresang pag-atake ng Hamas sa border ng Gaza sa Israel at sa ilang siyudad nito. TMT FILE PHOTO

Tinatayang 1 milyon na ang nakalikas mula sa Gaza Strip habang naghahanda ang Israel sa gagawing pag-atake laban sa Hamas sa kalupaan ng Gaza. Nagdeklara ng giyera ang Israel sa grupong Islam isang araw bago sorpresang sumalakay ang mga miyembro ng Harakat al-Muqawamah al-Islamiyya (Hamas) o Islamikong Kilusang Pakikibaka na namaril, nanaksak at nagsunog hanggang mamatay ang may 1,400 katao, karamihan ay mga sibilyan.

Pagkatapos makaranas ng pinakamatinding pag-atake sa kasaysayan, nagpa-ulan din ang Israel ng mga missile sa Gaza Strip kung saan naroon ang mga Hamas. Tinatayang may 2,670 katao na ang namatay, karamihan ay mga sibilyan, ayon sa pinakahuling ulat.

Noong Biyernes (Oktubre 13), nagbigay ng order ang Israel na dapat nang lumikas ang mga sibilyan sa loob ng 24 oras, kasama ang mga Pilipinong tinatayang may 137 na nasa Gaza.


“We are at the beginning of intense or enhanced military operations in Gaza City,” (Kami ay nasa simula ng matinding operasyong militar sa Gaza City,”) sabi ng tagapagsalita ng Israeli Defense Forces (IDF) Jonathan Conricus.

“It would be unsafe for civilians to stay there,” (“Hindi ligtas para sa mga sibilyan na manatili doon,”) dagdag pa ni Conricus.

Ito ang naging desisyon ng Israel matapos na magbanta ang mga tagasuporta ng Hamas na Iran at Hezbollah ng Lebanon, na suportado din ng Tehran. Sinabi nila na kapag sinalakay ang Gaza City ay gaganti sila.

Kahapon, Oktubre 16, iniulat ng Department of Foreign Affairs na ililikas ang mga Pilipino sa Gaza City sa pamamagitan ng pagbukas ng Rafah crossing para makatawid sila sa Egypt. Ang Rafah crossing ay itinatag bilang isang access point sa Gaza sa pamamagitan ng isang kasunduan sa kapayapaan sa pagitan ng Egypt at Israel noong 1979.

- Advertisement -

Ang ibang mga Pilipino sa Israel ay kasalukuyan ring tinutulungan ng pamahalaan na makabalik sa Pilipinas para makaiwas sa tumitinding labanan doon.

Sinabi ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na tinutulungan na nila ang mga Pilipino sa Israel (hindi lamang yung nasa Gaza City) simula pa noong Oktubre 10.

Ito ang mga pinakahuling kaganapan sa panahon ngayon.

Balikan naman natin ang nakaraan ng Israel at Palestine noong ika-10 siglo sa panahon ni Haring Solomon.

Ang Kaharian ni Haring Solomon

Ang sumunod na hari ng Israel pagkatapos ni Haring David ay anak nitong si Haring Solomon na kilalang unang nagpatayo ng Templo ng Jerusalem.

- Advertisement -

Ayon sa Biblia, Si Solomon ang pangatlo at huling hari ng nagkakaisang kaharian ng Israel. Sinulat ni Solomon ang Awit ni Solomon, ang aklat ng Mangangaral, at karamihan sa mga salawikain sa aklat ng Kawikaan. Naghari si Solomon sa loob ng 40 taon (1 Hari 11:42.

Nagkaroon si Solomon ng 700 asawa at 300 kabit, marami sa kanila ay mga dayuhan na nagtulak sa kanya para sumamba sa mga diyus-diyusan sa publiko sa kanyang katandaan na lubhang ikinagalit ng Diyos (1 Hari 11:1–13).

Sinabi ng Diyos kay Solomon na aalisin Niya ang kaharian sa kanya, ngunit alang-alang kay David, hindi niya ito gagawin habang siyaý nabubuhay. Ipinangako din Niya na magtatatag Siya ng mga kaaway laban kay Solomon na magiging dahilan ng maraming kaguluhan sa nalalabing buhay ni Solomon (1 Hari 11:14–25). Nagsimula ding magrebelde laban kay Solomon ang anak na si Jeroboam, na magiging kauna-unahang hari sa 10 tribo ng Israel sa Hilaga, bagama’t tumakas muna ito (1 Hari 11:26–40).

Ang Kaharian ng Judah

Ang kaharian ni Solomon ay nahati. Ang Katimugan ay pinamunuan ni Rehoboam anak din ni Solomon (1 Hari 12). Ang dalawang tribo ng Israel na Benjamin at Juda ay pinag-isa at tinawag na Kingdom of Judah.

Ang lumang mapa ng nahating Kingdom of Israel at Kiungdom of Judah matapos pumanaw ni Haring Solomon.

Sa simula ay isang maliit  at mahinang kaharian ang Kaharian ng Judah, ngunit ito ay unti-unting lumago sa kapangyarihan at impluwensya. Pinalawak ng kaharian ang teritoryo nito at nakipag-alyansa sa mga karatig na kaharian, tulad ng Kaharian ng Ehipto at Kaharian ng Tiro.

Ang Kaharian ng Juda ay pinamumunuan ng kabuuang 20 hari, mula kay Rehoboam, na anak ni Solomon, hanggang kay Zedekias, ang huling hari ng Juda. Ang ilan sa mga hari ng Juda ay kilala sa kanilang katuwiran at kabanalan, gaya nina Hezekias at Josias, habang ang iba ay kilala sa kanilang masasamang gawa, gaya ni Manases.

Pagkaraan ng maraming taon, dumating ang mga Assyrian at nagapi ang Kingdom of Israel at Kingdom of Judah.

8th century BCE at ang Imperyong Assyria

Sinakop ng mga Assyrian ang Kingdom of Israel. Maraming namatay at ang mga nakaligtas na Israelites ay pumunta sa Kaharian ng Judah.

Ang Assyria ay isang pangunahing sinaunang kabihasnan sa Mesopotamya na umiral bilang isang lungsod-estado at kalaunan ay naging emperyo.

6th century BCE at ang Imperyong Babylonia

Pagkatapos ng mga Assyrian ay mga Babylonians naman ang naghari sa Asya. Kinuha nila ang lahat ng nasasakupan ng Assyria pati na ang Kaharian ng Judah at Philistia.

Ang mga Israelites na nahuli ay dinala sa Babylonia at ginawang mga alipin. Noong panahong ito ay nabuo ang Hebrew alphabet na siyang wikang ginamit ng mga Jews o Hudyo ngayon. Pinaniniwalaang noong panahong ito, nabuo ang paniniwalang Judaism.

Ano ang Judaism o Hudaismo?

Ayon sa https://www.britannica.com/topic/Judaism, ang Judaism ay isang monotheistic religion na nabuo ng mga sinaunang Hebrews o Hebreo. Inilarawa ito bilang isang paniniwala sa iisang Diyos na nagpahayag ng kanyang sarili kay Abraham, Moses at sa mga propetang Hebreo at sa pamamagitan ng isang relihiyosong buhay alinsunod sa mga Kasulatan at mga tradisyong rabiniko (rabbinic). Isa itong masalimuot na phenomenon ng kabuuang paraan ng pamumuhay para sa Hudyo, na binubuo ng teolohiya, batas, at hindi mabilang na mga kultural na tradisyon.

Ang kasaysayan ng Judaism ay nahahati sa  mga sumusunod na pangunahing period o panahon: biblical Judaism (c. 20th–4th century BCE), Hellenistic Judaism (4th century BCE–2nd century CE), Rabbinic Judaism (2nd–18th century CE), at modern Judaism (c. 1750 hanggang sa kasalukuyan.

5th century BCE at ang Imperyong Persia

Nang talunin ng imperyong Persiya ang Babylonia, ang Israel ay sumailalim sa pamumuno ng Imperyong Akemenida ng Persia at pinayagan nitong makabalik ang mga Israelite sa Judah.

Naniniwala ang mga iskolar na naimpluwesyahan ng relihiyon Zoroastrianismo ng Persia ang mga pananaw ng mga Israelita noong panahong iyon.

Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus the Great (559 BCE-530 BCE) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey). Sa panahon ni Darius the Great (521 BCE – 486 BCE), umabot ang sakop ng Imperyo hanggang India.

Nang mga panahong ito ay nawala sa mga ulat ng kasaysayan ang mga Palestino o Philistine.

2nd Century BCE at ang Maccabean Revolt

Pagkaraan ng maraming taon ay ang Imperyong Seleucid naman ang sumakop sa rehiyon. Lumaban ang mga Israelites at nabawi nila ang Judah at Jerusalem. Ito ay tinawag na Maccabean Revolt at siyang naging dahilan ng pagdiriwang ng Hanukkah.

Ang Maccabean Revolt, madalas na tinutukoy bilang isang digmaang himala, ay nagmamarka ng isang makabuluhang pagbabago sa kurso ng kasaysayan ng Bibliya. Ang paghihimagsik na ito laban sa pamamahala ng Seleucid ay hindi lamang nagtatag ng dinastiyang Hasmoneano kundi nagpasulong din ng pamana ng mga Hudyo at ng kanilang pananampalataya. Mayu mahalagang papel ito sa sa paghubog kapwa sa Luma at Bagong Tipan.

Samantala ang Hanukkah  (kung minsan ay isinalin na Chanukah) ay isang pista opisyal ng Hudyo na ipinagdiriwang para sa walong araw at gabi. Nagsisimula ito sa ika-25 ng buwan ng Hudyo ng Kislev, na kasabay ng katapusan ng Nobyembre hanggang katapusan ng Disyembre sa sekular na kalendaryo.

1st century BCE at ang Jewish State

Pinalawig ng dinastiyang Hasmoneano o Hasmonean Dynasty ang Jewish state noong 1st century BCE at tuluyan nilang nabawi ang maraming lugar na dating sakop ng mga kaharian ng Israel at Judah at tinawag nila itong Kingdom of Judea.

Sa panahong ito ay tuluyan na ngang nawala sa mga ulat ng kasaysayan ang mga Philistines at Canaanites sa lalawigan.

(Sa susunod, tatalakayin ang Common Era o CE kung kaylan ipinanganak si Hesus at ang mga susunod na mga pangyayari sa kasaysayan ng Israel at Philistine)

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -