26.4 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Gatchalian nanawagan ng mabilis na pag-apruba ng power supply agreement upang matiyak ang tuluy-tuloy na kuryente

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na aprubahan sa tamang oras ang mga power supply agreement (PSAs) sa pagitan ng distribution utilities (DUs), tulad ng Meralco, at generation companies upang matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa abot-kayang halaga para sa kapakinabangan ng mga konsyumer.

Nakiusap si Senador Win Gatchalian sa Energy Regulatory na aprubahan sa tamang oras ang mga power supply agreement (PSAs) sa pagitan ng distribution utilities (DUs), tulad ng Meralco, at generation companies upang matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente. Kuha ni  Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ng pagpapalabas kamakailan ng ERC ng isang competitive selection process (CSP) guidelines na tumutukoy sa procurement mechanism para sa isang DU na kumuha ng suplay mula sa mga generation companies sa pamamagitan ng competitive bidding batay sa mandato ng Department of Energy (DoE).

“Umaasa kami na ang mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin sa pagbi-bid ay magreresulta sa napapanahong pag-apruba ng ERC ng mga PSA at makakatulong sa mga DU na makakuha ng suplay sa pinakamababang halaga para sa kapakinabangan ng mga konsyumer,” sabi ni Gatchalian. Idinagdag pa niya na mula 2003 hanggang 2023, mayroong kabuuang 527 na nakabinbing PSA sa ERC na hindi pa na-aaprubahan. Sa taong ito, mayroong 16 na nakabinbing PSA sa ERC, bahagyang mas mababa sa 18 noong nakaraang taon.

“Inaasahan natin na mas magiging maayos ang kalagayan ng suplay para sa mga kooperatiba at mga konsyumer,” aniya.

Binigyang-diin din ng senador na dapat agad na ipatupad ng ERC ang mga probisyon ng bagong power bidding guidelines na inilabas ng ahensya para matiyak na sumusunod ang mga distribution utilities at tiyakin rin ang aktibong partisipasyon ng mga consumer groups.

Ayon sa kanya, dapat ding hikayatin ng ERC ang mga mamimili na lumahok sa bidding sa pamamagitan ng aktibong pagsubaybay, isang pribilehiyong hindi naibigay sa kanila noon. Makakatulong ito na matiyak ang transparency sa pagpapatupad ng CSP at pahusayin ang pananagutan sa bawat PSA.

“Kailangan natin ng mas maayos na pananagutan sa pagpapatupad ng PSA, ibig sabihin,  mas magiging mahirap para sa mga generation company na hindi tumupad sa PSAs. Makakatulong ito na mapatatag ang suplay ng enerhiya at alisin ang hindi inaasahang pagtaas ng mga presyo,” paliwanag ni Gatchalian.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -