30.1 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 28, 2024

Mga dahilan ng sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine, ibinunyag

- Advertisement -
- Advertisement -

Ikaapat na bahagi

SA artikulong ito, hihimayin natin ang mga nangyari mula ika-11 siglo ng Common Era hanggang sa pagkapanalo ng Britain sa Ottoman Empire, kasabay ng pagsibol ng kamalayan tungkol sa Zionism ng mga Jew at paano sila nakabalik sa Israel.

Bago natin gawin ito ay sulyapan natin ang mga pangyayari sa ika-15 araw ng digmaang Israel at Hamas sa Gaza Strip simula noong Oktubre 7.

Maitim na usok ang bumulaga sa kalawakan nang bombahin ng Israel ang Gaza Strip noong Oktubre 19. TMT FILE PHOTO

Ayon sa ulat ng The Manila Times, ngayon, Oktubre 22, may 200 trak na may 3,000 tonelada ng mga humanitarian aid na ang nakahanda subalit 20 pa lamang ang dumaan sa Rafah border mula sa Egypt papunta sa Gaza noong Sabado. Ilang daan rin ng mga banyagang may iba’t ibang passport ang naghihintay para makatawid mula sa Gaza papuntang Egypt para makaiwas sa nagaganap na pagtugis ng Israel sa mga Hamas sa Israel.

Samantala, dalawang Amerikanong bihag na mag-ina ang pinalaya ng Hamas mula sa Gaza noong Biyernes. Ang kapalaran ng inang si Judith Tai Raanan at Natalie Shoshana ay tila naging isang “hibla ng pag-asa” (“:sliver of hope”) ayon kay Mirjana Spoljaric, pangulo ng International Committee of the Red Cross.


Labis na ikanatuwa ni US President Joe Biden ang pagpapalaya sa dalawang Amerikano, matapos siyang dumalaw sa Israel para magbigay ng suporta at humanitarian aid sa Gaza.

Nauna rito, nakauwi na ang unang batch ng mga Pilipino—15 caregivers at isang-buwang sanggol—mula sa Israel noong Miyerkules, Oktubre 18. Ang ikalawang batch ng 18 OFWs mula Israel ay nakauwi na rin noong Biyernes, Oktubre 20.

Naiuwi na rin ang labi ni Lorera Alacre, biktima ng Hamas noong Sabado. Dadalhin ang labi niya sa Negros Occidental ngayong Linggo. Kinilala naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ikaapat na namatay sa giyera nasi Mary Grace Prodigo-Cabrera na isa ring caregiver sa Israel’s Kibbutz Be’eri ng apat na taon. Ang ibang namtay ay sina Angeline Aguirre, isang nurse, at Paul Vincent Castelvi, isang caregiver.

Ngayon, balikan natin ang mga nakaraang pangyayari mula sa ika-11 siglo CE na magsisiwalat ng mga dahilan kung bakit nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine. Ang ikatlong bahagi ng artikulong ito (https://www.pinoyperyodiko.com/2023/10/19/balita/giyera-sa-pagitan-ng-israel-at-palestine-ngayon-may-pinag-ugatan-ba-sa-mga-pangyayari-sa-nakaraan/2898/) ay tumalakay sa mga pangyayari mula sa unang siglo ng Karaniwang Panahon o CE hanggang sa ika-pitong siglo.

- Advertisement -

Ang mga Krusada

Pagkatapos ng libu-libong taon ng Arab rule mula 636 AD hanggang 1099, namayani ang mga Crusader o mga Krusada sa Latin Kingdom of Jerusalem. Ang Mga Krusada  ay isang serye ng mga mga digmaang panrelihiyon na itinaguyod ng Kristiyanong Europeo noong 1096 hanggang 1291. Karamihan ng Krusada na umabot sa walong Krusada ayon sa Britannica Encyclopedia, ay pinagtibay ng Papa  sa ngalan ng Kristiyanismo. Tandaan natin na ang Jerusalem lang ang kinuha ng mga Krusada kaya karamihan ng mga Palestine ay mga Muslim pa rin at ang mga Jews ay umalis papuntang Europa.

Ang kaunaunahang layunin mga Krusada ay ang mabawi ang Jerusalem at ang Holy Land mula sa kapangyarihang Muslim at unang isinagawa bilang tugon sa panawagan mula sa Silangang Ortodoksong Silangang Imperyong Romano, na mula kay Emperado Bisantino Alexios Komnenos upang masugpo ang pagdating ng Muslim na Seljuk Turks sa Anatolia.  Sa unang Krusada binalak ni Papa Urbano II na bawiin ang banal na lupain sa kamay ng mga Muslim noong 1095. Pinangunahan ng mga maharlikang Pranses at Norman ang unang krusada. Ang ikalawang Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Eugenius II, Ang ikatlong krusada naman ay mas kilala sa tawag na Krusada ng tatlong Hari sapagkat Tatlong Hari ang nanguna nito, sila ay sina Haring Richard I ng Great Britain, Haring Philip 2nd ng Espanya at Emperador Frederick Barbossa ng Germany. Habang ang ika-apat na Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Innocent 3rd, ito ay nagdulot lamang ng pag-sama ng mga Venezio  sa pagsalakay sa Constantinople noong 1203–1204 na ikinahina ng Silangang Imperyong Romano (Imperyong Bizantion).  Ang Krusada naman ng mga kabataan ay nabigo dahil sila ay nilinlang ng sinakyan nilang barko at ipnagbili bilang mga alipin.

Mula 1260 hanggang 1291, ang lugar na ito ay naging hangganan sa pagitan ng mga mananakop na Mongol at mga Mamluk ng Ehipto. Kalaunan ay natalo ng Sultan Qutuz  ng Ehipto ang mga Mongol  at ang kanyang kahaliling si Baibars ay nagalis ng huling Kaharian ng nagkrusada noong 1291 na nagwakas sa mga krusada.

Ang pagguho ng mga Krusada ay sinundan ng papalaking pag-uusig at pagpapatalsik sa mga Hudyo sa Europa. Ito ay nagsimula sa Inglatera noong 1290 at sinundan ng Pransiya noong 1306. Sa Espanya,  ang pag-uusig ng mga Hudyo ay nagsimula kabilang ang mga masaker at sapilitang pang-aakay. Ang pagiging kumpleto ng muling pananakop ng mga Kristiyano sa Espanya ay tumungo sa pagpapatalsik ng mga Hudyo sa Espanya noong 1492 at Portugal noong 1497.

Mula 1291 hanggang 1516 ay namayani ang mga Mamluk ng Ehipto.

- Advertisement -

Imperyong Ottoman

Mula 1515 hanggang sa pagtatapos ng World War 1 noong Nobyembre 11, 1918,  ang Imperyong Ottoman o Ottoman Empire ang may kontrol sa pinagtatalunang teritoryo ng Israel at Palestine sa Middle East. Ang Ottoman Empire ay Muslim na estado sa Turkiya na nagtagal ng halos 400 taon mula noong ika-13 siglo hanggang noong 1922, nang ito ay palitan ng Turkish Republic at iba’t ibang kahaliling estado.

Magkakasamang naninirahan dito ng tahimik ang mga Kristiyano, mga Jews o Hudyo at mga Muslim.

Sa mga huling babagi ng Ottoman Empire, sumibol noong 1891 ag kamalayan tungkol sa Zionism.

1891, si Theodor Herzl at ang kamalayang Zionism

Noong 1891, dumating si Theodor Herzl na isang Austrian journalist na Hudyo, sa Paris dahil pinadala siya dito ng kanyang kompanya sa Viena para sa isang assignment. Laking gulat niya nang masaksihan niya ang pagmamalupit sa mga Jews dahil sa tinatawag na anti-Semitism sa Pransya. Alam na niya ang tungkol dito pero inasahan niya na may pagbabago kung kaya’t naging misyon niya na pag-aralan kung paano magkakaroon ng sariling bayan ang mga Jew. Siya ang nagtatag ng Zionism, isang movement para makapagtayo ng bayan ang mga Jews.

Pinag-aralan ni Herzl ang kasaysayan ng kanyang lahi at nalaman niya na ang ancient home ng mga Jew ay ang Palestine at ang mga Israelites ang kanilang pinanggalingan. Nabuhay sila noong 1,000 BC (Para sa kaugnay na impormasyon, basahin ang unang bahagi ng artikulong ito sa https://www.pinoyperyodiko.com/2023/10/16/balita/sumiklab-na-giyera-sa-pagitan-ng-israel-at-palestine-saan-nagmula/2829/). Nakaugat ang kanilang mga ninuno kay Abraham, anak nitong Isaac at apong Jacob. Naniniwala sila na pinangakuan ng Panginon si Abraham ng lupa at ito ay ang kasalukuyang bayan ng Israel.

Bakit umalis ang mga Hudyo sa Israel? Dahil ito sa sunud-sunod na pagsakop sa lugar, napilitang umalis ang mga Hudyo sa Ipinangakong Lupa (Para sa kaugnay na impormasyon bahahin ang ikalawang bahagi ng artikulong ito sa https://www.pinoyperyodiko.com/2023/10/17/balita/giyera-sa-pagitan-ng-israel-at-palestine-ngayon-may-kinalaman-ba-sa-nakaraan/2849/)

Noong bago mag-World War 2, ang mga Hudyo na napadpad sa Europa ay 3 milyon sa Poland, 2.5 milyon sa Russia, 300,000 sa Britain, at 500,000 sa Germany. Iilan lang naiwan sa Palestine.

Upang lumaganap ang kamalayan tungkol sa nasyonalismo sa Europa, pinangunahan ni Herzl ang pagkakaroon ng 1897 First Zionist Congress sa Switzerland. Ayon sa kanya, dapat umalis ang mga Hudyo sa Europa at manirahan sa sarili nitong bansa na tinatawag nilang Israel at itinuturing nilang “Promised Land” o “Ipinangakong Lupa.” Ang konseptong ito ay tinawag nilang Zionism, na naging national ideology ng mga Jews.

Unang migrasyon ng mga Jew sa Palestine

Paano sila babalik sa lupang may mga nakatirang mga Palestino at okupado ng Ottoman Empire? Noong 1896, pumunta si Herzl si Constantinople upang kausapin ang sultan ng Ottoman at nag-alok na babayaran nila ang mga utang ng Ottoman basta ibigay sa kanila ang Palestine. Hindi pumayag ang sultan kung kaya’t bumili ang mga Jew ng lupa isa-isa sa mga Ottoman landlord at ito ang naging unang migration ng mga Jew sa Palestine.

Sinimulan ng mga Jew ang pagtatanim subalit pinaalis nila ang mga magsasaka at manggagawang Arabo sa kanilang mga lupa at kalaunan ay nagtayo ng kanilang mga sariling sentro tulad ng Tel Aviv na naitayo noong 1909. Karamihan sa mga ipinatayong mga gusali ay katulad sa Europa at ang mga namuhunan ay nagmula sa mga Jew na yumaman sa Amerika at Europa.

Pagbagsak ng Ottoman Empire at pagkapanalo ng Imperyong Britain

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, natalo ang Ottoman Empire ng Britain o Britanya at sila na ang namuno sa naturang lugar. Humingi ng tulong ang mga Zionist sa Britain para mapasakanila ang Palestine pero itinuro sila sa Uganda at Argentina. Determinado ang mga Jew na makabalik sa itinuturing nilang homeland kaya tinanggihan nila ito hanggang nangailangan ng tulong ang Britain sa mga Jew upang manalo sa pakikipaglaban sa Ottoman Empire.

Noong 1917, nag-alok ang mga Jew ng tulong sa Britain kay Foreign Secretary Arthur James Balfour at nang manalo ang Britain, inilabas ang 1917 Balfour Declaration na pumapayag na lumipat ang mga Jew sa Israel mula 1919. Sa pagdami ng mga Hudyo sa Israel ay dahan-dahan silang nakabili ng mga lupain sa mga Arabong hindi Palestino dahilan para mawalan ng mga trabaho ang mga magsasakang Palestinian. Dito nagsimula ang sigalot ng mga Hudyo at Arab-Palestinian. Dahil sa pangyayaring ito, nilimitahan ng Britain ang Jewish immigration sa Israel noong 1936.

(Sa susunod ay hihimayin natin ang mga pangyayari hanggang sa sorpresang pag-atake ng mga Hamas sa Israel)

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -